Nananatiling nanlalaki ang mga mata ko nang matitigan ko si Kidd, seryoso naman itong nakatingin sa akin. Ang itsura nito ay animo'y mangangain ng buhay, kaya bago pa man magkagulo ay hinila ko na si August. "Halika na, August. Doon ka na lang maghintay sa labas," pahayag ko habang na kay Kidd pa rin ang atensyon. Nakita ko pa ang lalong pagtagis ng bagang niya, kulang na lang ay senyasan ako nito ng paggilit ng kaniyang leeg— tanda na galit ito sa akin at gusto niya akong katayin ng buhay. Isang beses ko itong pinanlakihan ng mata ngunit ayaw lang niyang magpatinag. Kung hindi lang din ito tinawag ulit ni Doc. Sidney ay hindi pa niya ako tatantanan ng galit niyang tingin. Naguguluhan man din ay nagpatianod na lang si August, hatak-hatak ko ito hanggang sa madala ko siya sa main entran

