Iyon yata ang rason kung bakit parang nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay na gagawin ko, hindi ko maramdaman iyong sarili ko na para akong nakalutang sa ere na hinahangin-hangin lang. Hindi ko malaman ang direksyon ng patutunguhan ko, tila ba nawala iyong mapa ko at hindi ko mawari kung saan ba dapat ako pupunta. Literal na tinakasan ako ng kaluluwa. Nagdaan ang ilang pang araw at linggo, pero iyon at iyon pa rin ang naalala ko sa tuwing makikita ko si Kidd. Iyong tipong gusto kong maiyak sa sobrang frustration, iyong utak ko ay malapit nang sumabog. "Doc. Andrea," pagtawag sa akin ni Kidd nang dere-deretso ko itong nilampasan nang madaanan ko siya sa hallway ng waiting area. Hindi ako buminto, bagkus ay nagpatuloy ako sa mabilis kong paglalakad. Sa nakalipas na araw ay pinursige kon

