"Punuuin ko kaya ng monay ang buong venue. What do you think, Andrea?" tanong ni Olivia habang abala ang kamay nito sa pagdampot ng kung anu-ano. Napuno na namin iyong dalawang cart at itong pangatlo ang kasalukuyang pinupuno naman niya. Kung saan-saan na ako nito dinala, nahilo na nga lang ako sa kasusunod ko sa kaniya. Tinutulungan ko naman ito, sa haba ng listahan kasi nito ay malabong matapos kami sa isang oras. Sina Jasmin at Kidd ay hindi ko na makita, marahil tumambay ang dalawa kung saan iniwan ni Olivia iyong dalawang cart para bantayan. "Hindi ka ba nagsasawa sa monay mo?" angil ko rito. Though, masarap naman ang monay ni Olivia. Para kang sumampa sa ulap at lasap na lasap mo ang kalangitan. Iba nga lang iyong sarap na natitikman ko kay Kidd. Sa naisip ay halos mag-init ang d

