Hindi rin nagtagal nang lumapit si Kidd sa driver's seat, nadaanan pa ako nito dahilan para manuot sa ilong ko ang naturang amoy niya. Parang gusto ko tuloy itong sundan sa kotse ni Olivia. Nang makapasok siya roon ay maagap niyang binuksan ang engine ng sasakyan, kapagkuwan ay deretsong tumitig sa kawalan. Mayamaya pa nang dumukwang si Jasmin sa kaniya. "Iyong seatbelt mo, Kidd." Imbes na hayaan pa siya ni Kidd na ito ang magsuot ay nagkusa na rin siya. Isang sulyap ang iginawad nito sa akin, kaagad din naman siyang nag-iwas ng tingin, lalo pa at nakamasid sa kanila si Olivia na ngayon ay kinikilig sa dalawa. Ramdam ko iyon sa braso kong hawak-hawak niya, nanggigigil ito. "Ang sweet talaga ng anak ko," bulong pa nito sa hangin. "Oh, siya, mauna na kayo sa Greenbelt. Magkita na lang ta

