"Ma..." Dinig kong sambit ni Kidd na siya ngayong kaharap ang kaniyang ina. Nang mabalitaan nitong gising na ito ay ura-urada rin siyang nagpunta rito, wala itong sinayang na segundo na maski ako ay napasama nang 'di oras. Kaya ngayon ay narito na kami sa hospital at nasa loob ng kwarto ni Ms. Helen Cristobal. Ang kapatid ni Kidd na si Katherine ay nasa kabila habang kami ni Kidd ay naroon sa paanan ni Ms. Helen, nasa bandang likuran ako nito dahil sa totoo lang ay nahihiya pa akong magpakita. Sa kamamadaling umalis kanina ay hindi ko man lang nagawang makapagbihis nang maayos. Suot ko ang malaking pink hoodie na nagmukha pa akong si Kokey, kasi sa totoo lang din ay nahihiya na akong bumalik dito sa hospital. Kaya iyon na lang ang napili kong disguise outfit para hindi ako ganoon makil

