Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa, hindi ko lubos maisip na ganoon lang ako kadali natanggap ng ina ni Kidd. Akala ko pa ay aayawan niya ako para sa anak nito, akala ko ay katulad ito ng iba na tututulan ang hindi maganda para sa kaniyang ina. Isa yata iyon sa pinakamagandang narinig ko sa tanang buhay ko, bukod pa sa pagpo-propose sa akin ni Kidd. Gusto kong sumigaw sa nag-uumapaw kong emosyon, gusto kong tumalon-talon at umiyak buong magdamag. Hindi ko na alam kung paano ko pa nagagawang umakto ng normal ngayon, gayong nagmumukha na akong baliw sa sobrang pagkakangiti ko, kahit ilang oras na iyong nakalilipas. "Maganda ka naman. Mukha ka ngang mas bata kaysa sa akin," pahayag ni Katarina dahilan para magtawanan silang lahat. Si Katarina ay ang pangalawang bunso sa kanila, sumunod kay

