Chapter 96

1199 Words

Mabilis lang na nagdaan ang panahon, ganoon nga yata talaga kapag sobrang saya mo, ano? Hindi mo mamalayan ang paglipas ng araw, saka mo na lang matatanto na iyong mga bagay-bagay kapag nangyayari na. Tulad na lang ngayon, ito na 'yung araw na pinakahihintay ni Kidd. Ilan taon niya rin itong hinintay, iyong pinaghirapan niyang makatapos ng pag-aaral ay siyang nagaganap na ngayon. "To the batch of 2021, congratulations to the all of you," masayang bati sa kanila ng mismong may-ari ng St. Jude College dahilan para sabay-sabay na maghiyawan ang mga estudyante. Kasunod pa nito ay ang paghagis nila ng kanilang itim na toga sa ere, nagmistulan pa iyong fireworks display sa paningin ko. Sa tanawing iyon ay hindi mapapatawaran ang malakas naming pagpalakpak. Nasa isang malawak at malaking stad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD