"Parang hindi ko na nakikita si August." Dinig kong palatak ni Kidd dahilan para magdilat ako. Kaagad na nagtama ang mga mata namin na para bang kanina pa ako nito pinagmamasdan. Tumaas ang isang sulok ng labi ko, kapagkuwan ay itinagilid ang ulo at saka sinuklian ang bawat pagtitig ni Kidd sa akin. Sa ilang araw na lumipas, hindi ko na rin nararamdaman ang presensya ni August. Siguro nga ay unti-unti na niyang natatanggap ang katotohanang hindi na kami pwede. Hindi ko rin naman siya pwedeng gustuhin, hindi ko pwedeng pilitin ang sarili ko na magustuhan siya dahil kailan man ay hindi natuturuan, o nadidiktahan ang puso. Kusa iyong tumitibok sa kung kanino nito gusto. Hindi man pasok sa standard natin iyong nagugustuhan ng puso natin, darating din 'yung oras na wala kang laban sa puso m

