Mabilis lang na lumipas ang oras, ang pagtambay ni Kidd sa unit ay inabot ng gabi. Wala itong ginawa kung 'di ang dumikit sa akin, kulang na lang na pati sa pagligo ko ay naroon siya. Hanggang sa makababa ako kaninang hapon para magpa-laundry, kasama ko siya at ito mismo ang nagbuhat sa ilang katerbang damit kong natambak sa ilang araw na hindi ako nakapagpa-laundry. Kadalasan ay si Jasmin ang gumagawa no'n, kaya nawala na iyon sa isipan ko. Ngayon ko natanto na baka hindi na iyon magpunta rito, or worst ay talagang hindi na siya magpakita sa akin. Hindi ko alam kung marapat lang din ba na kausapin ko siya, o hayaan na lang na ganito. Iniisip ko lang din kasi iyong kapakanan niya, gusto kong makita siyang masaya— at the same time ay gusto ko ring sumaya. Siguro nga ay hindi si Kidd ang

