Kinaumagahan nang magising ako na masakit ang buong katawan, nang magdilat ako ay kaagad din akong napapikit nang sumisid sa ulo ko ang 'di mapapatawarang sakit. Halos matampal ko pa ang sarili noo na ito ang naging sukli sa pagiging salawahan namin kagabi nina Olivia at Thea. Sa paghawak ko sa noo ay naramdaman ko ang init doon, ganoon din sa leeg ko. Maging ang katawan ko ay akala mong nagbabaga sa sobrang init, gayong ramdam ko rin naman ang lamig na nanggagaling sa aircon mula sa kwarto. Mayamaya nang magmulat ako ulit. Wala pa sa tamang huwisyo nang makipagtitigan ako sa puting kisame habang pinapakinggan ang tunog ng alarm clock, para sa oras ng alas sais. May pasok ako mamayang alas dies. Ngunit parang 'di ko yata kakayanin, nilalagnat ako dahil sa sobra-sobrang pag-inom ko ng a

