KIDD CRISTOBAL'S POV "Papa, nakita mo ba 'yung babaeng doktor?" tanong ko rito habang palabas kami ng hospital. "Sino ba roon?" "Iyong doktor mo na nag-magic para pagalingin ka." Ngumiti ako nang ubod ng tamis at saka patalon-talon na naglalakad. Nasa gilid lang ako ni mama na ngayon ay tulak-tulak ang kinauupuang wheelchair ni papa. Bakas sa mukha ko ang 'di mapapatawarang saya, kasi hindi ko akalain na mabubuhay pa si papa sa sakit niyang stroke. Kaya sobrang hanga ako roon sa babaeng doktor na humawak kay papa, nakita ko kung paano siya mag-magic. Kung gaano siya kaganda sa bawat paggalaw nito habang suot niya ang lab gown nito. Sa sinabi ko pa ay natawa si papa, saka ako binalingan mula sa kaniyang balikat. "Oh, bakit? Anong mayroon? "Hmm... gusto ko siyang pakasalan!" Sa sanda
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


