"Lolo..." buntong hininga ko habang maiging pinagmamasdan ito. Mula pa sa pamilyar na lugar na iyon ay umihip ang malakas na hangin sa paligid, nanuot sa balat ko ang kakaibang lamig dahilan para mayakap ko ang magkabilaan kong braso. Dinig ko ang bawat pagkaskas ng mga dahong natuyo sa lupa, ang pagsayaw ng mga nagtatayugang puno sa 'di kalayuan at ang mga huni ng ibon na parito at pariyan sa himpapawid. Mapait akong napangiti, sa pagkakaluhod ko ay nagawa kong maabot ang malamig na lapida ni Lolo. Nauna nang pumanaw si Lolo, bago ko pa man maipakilala sa kaniya ang tatlo kong anak. Kaya may parte sa akin na nanghihinayang, kasabay nang pagsisisi ko. Iyong nag-iisang kahilingan niya noon na makita ang magiging anak ko, bago man lang siya mawala ay hindi nangyari. "I'm sorry, Lo. Nahu

