ARABELLA: NAPANGITI ako na napatitig sa kamay namin ni mochi na magkahawak. Lulan kami ng chopper patungo sa Batanes kung saan namin napiling mag-honeymoon. Gusto ko nga sanang sa abroad e, pero may klase na din kasi si mochi nextweek kaya kailangan naming makabalik kaagad. Kaya dito na lamang kami sa bansa napiling mag-short vacation para makabalik din kami kaagad. “You okay, panget?” tanong nito na napapisil sa kamay ko. Nag-angat ako ng mukha at kumawala ang nagrereklamong ungol sa aking mga labi nang salubungin nito ang mga labi ko ng isang marubdob at malalim na halik! Natawa ito nang kurutin ko siya. Naghahabol hininga tuloy kami nang sa wakas ay pakawalan nito ang mga labi ko. “Kainis 'to, may kasama tayo,” mahinang ingos ko ditong natawa na inakbayan ako at napahalik sa ul

