ARABELLA: SUNOD-SUNOD tumulo ang luha ko pagdating namin ng garden and everyone is waiting for us to arrive. Para akong hinahaplos sa puso ko. Hindi ko na nga mapangalanan ang emosyong nadarama ko sa mga sandaling ito. Basta ang sigurado ako. . . sobrang saya ko sa araw na ito. It's my wedding day today. I'm getting married now, at sa lalakeng tinatangi pa ng puso ko mula noon. Ang sarap sa pakiramdam na sa kabila ng mga napagdaanan ko para maabot ko ang ultimate crush ko, heto at pakakasalan ko na. Isipin ko pa lang na mahal din ako ng lalakeng tinatangi ko, sobrang saya ko na. Ang maikasal pa kaya sa kanya? Pakiramdam ko, I am the luckiest woman today. Not just today but everyday. May masaya at mapagmahal akong pamilya na nandidito palagi sa tabi ko. May mga kaibigan akong maaasahan

