ARABELLA: EVERYTHING goes well. Lumapit din ang ibang batchmate namin sa amin at nakipag kumustahan sa amin ni mochi, maliban kina Alvin, Becca at dalawang kaibigan nito. “I'm happy to see you two together. Iba rin ang isang Dexter Wayne ha? Hindi ka na talaga pinakawalan,” wika ni Inigo na ikinangiti ko. “Masaya rin akong makita kang muli, Inigo. Ikaw, how's life?” pangungumusta ko dito na napangiti. “Maayos naman. I'm a police now. PO1 pa lang. Sa ngayon, wala pa akong nobya e. Focus at enjoy-in na muna ang profession ko.” Sagot nito na ikinangiti ko. “Maganda ‘yan. Bata ka pa naman e. Hindi kailangang madaliin ang mga bagay-bagay. Lalo na kung hindi ka pa sigurado o hindi ka pa nakahanda na pasukin ang pagpapamilya.” Tugon ko. Naalala ko naman ang nabanggit ni mochi kanina sa

