ARABELLA: PAGDATING namin sa probinsya, magtatakip-silim na. Nakakapagod ang ilang oras na byahe pero masaya akong nakarating kami sa probinsya na ligtas. Hindi rin kami nabagot sa mahabang byahe dahil nakukwentuhan at lambingan kami ni mochi. Ayoko ring matulog dahil walang ibang kausap si mochi. Ayokong maulit ang nakaraan na nakaidlip siya habang nagmamaneho na naging dahilan kaya siya naaksidente at comatose. "Oh, bakit dito?" nagtataka kong tanong na huminto ito sa isang motel! Namimilog ang mga mata kong napalingon ditong may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi. Pumasok na ito ng garahe na nakurot ko. "Ano ka ba? Sa bahay na lang nila Tina o Jessa. Motel talaga?" sikmat ko dito na napahagikhik. "Panget, mas gusto ko dito sa motel kaysa makitulog tayo sa mga kaibigan mo. At l

