ARABELLA: MAGKAHAWAK kamay kami ni mochi na naglakad-lakad ng plaza matapos naming kumain. Pareho kaming nakasuot ng sumbrero para hindi kami mamukhaan ng mga tao. “Siya pa rin pala ang mayor dito,” wika ko na makita ang poster ng mayor dito sa munisipyo namin. Ang ama ni Aldrin na ka-batch din namin at classmate ni mochi sa section A noon. Si mochi lang naman ang kakilala ko sa section nila. Sina Becca at dalawang alipores nga nito ay naririnig ko lang ang pangalan noon sa school pero hindi kami magkakakilala personally. “Yeah, sila rin ang bumili sa old house natin,” sagot nito na ikinatigil kong napatingala dito. “Talaga?” Tumango ito na napahingang malalim. “Ang totoo niya'n, ayoko sanang dumalo sa reunion natin e. Pero nandito na tayo saka– ayoko namang ipagkait ‘yon sa'yo,

