ARABELLA: HAPON na kami lumabas ng motel ni mochi. Bukod sa napuyat kami kagabi, sinulit na lang din namin na magkayakap sa kama. Katulad noong nakaraan, walang namagitan sa amin ni mochi maliban sa halik at yakap. Hindi ko alam kung wala lang siya sa mood o may iba pang dahilan pero. . . napapansin ko kasi na kahit lumalalim ang halikan namin, hindi ito katulad dati na inaankin niya ako. O baka dahil masyado lang kaming mapusok noon kaya madalas na may mamagitan sa amin noon sa tuwing magtatabi kaming matulog. "May problema ba, mochi?" tanong ko na malingunan itong nakabusangot. Kakatapos ko lang ayusan ang sarili ko dito sa loob ng banyo at walang salamin sa silid. Nasa may pintuan naman ito. Nakasandal siya doon at matamang pinapanood ako. "Do you need to put makeup? Saka, wala

