ARABELLA: HALOS thirty minutes din kaming nanatili na muna ni mochi sa loob ng kotse bago napagdesisyunan na bumaba. Magkahawak kamay kaming nagtungo sa gym court at marami-rami na rin ang naroon. Pagpasok namin sa gym, nakaayos na ang mga mesa dito. Mabuti na lang, hindi nila hinati-hati kung saan uupo ang bawat section nang sa gano'n, hindi kami maghihiwalay ng upuan ni mochi. Naigala ko ang paningin. Napalingon naman sa amin ang mga narito at nagulat na makita kami. Nakabusangot naman si mochi na hawak-hawak ang kamay ko. Naglakad kami ng red carpet. Hinahanap ko ang mga kaibigan ko. Nakakahilo kasi ang neon lights dito sa loob ng gym kaya hindi ko kaagad makilala ang mga kaibigan ko. “OMG, si Wayne at Garcia ‘yan, ‘di ba?” “Correction, girl. Smith na siya. Ang ganda niya.” “

