ARABELLA: TULALA akong napasunod ng tingin kay Vina na nagwawala at nagpupumiglas habang inilalabas ng mga pulis ng mansion. Nakaalalay naman sa akin si mochi at nanginginig ang katawan ko. Para akong babagsak sa sahig sa sobrang pangangatog ng mga tuhod ko na makaharap ang babaeng dahilan. . . kaya nawalay ako sa aking pamilya! "It's okay, panget. At least ngayon ay malinaw na sa'yo ang lahat, right?" pabulong pag-aalo sa akin ni mochi na hinagod-hagod ako sa likuran. Lumapit na rin sina mommy at daddy sa akin. Kaagad akong niyakap ng mommy na ikinatulo ng luha kong nagpakulong sa kanilang bisig ni daddy. "Hwag kang mag-alala, anak ko. Hindi ka na mahahawakan ng babaeng iyon. I'll make sure, she will rot in jail forever." Pagpapalakas loob ng mommy sa akin. "Don't be afraid, anak.

