ARABELLA: LUMIPAS ang maghapon at hindi pa nagparamdam si Dexter kung nakarating na ito sa amin. Napapamura na lamang ako sa isipan dahil hindi ko memorized ang cellphone number ni mama, pero si mochi naman ang bilis kong nakabisa. Iba na rin ang nagpaparamdam sa akin. Kahit pilit kong pinapatatag ang sarili ko, iba ang nagpaparamdam sa akin. Ayokong magpadala sa takot ko pero-- alam ko, may mali. May dahilan kaya hindi pa tumatawag si mochi sa akin. "Anak?" Napalingon ako sa may pintuan at pilit na ngumiti na makita ang mommy doon. Pumasok ito na ngumiting lumapit sa akin. Nandito na kasi ako sa isang guestroom namin. Ipapaayos pa raw nila ang magiging silid ko. Kahit tumanggi ako at sinabing okay na sa akin dito sa guestroom, hindi pumayag sila daddy. Kaya ipina-renovate nila ang

