ARABELLA: MAGKATABI kaming natulog ni Dexter sa silid ko. Akala ko nga ay maisusuko ko ang sarili ko sa kanya lalo na't mis na mis ko rin naman ito. Pero hindi siya sumobra sa boundaries namin. Magkayakap kaming natulog at hindi rin maiwasang maghalikan kaming dalawa. Pero bukod do'n, wala na. Kinabukasan ay nauna akong nagising dito. Napangiti ako na sa unang pagbukas ng mga mata ko, ang gwapong mukha niya ang bumungad sa paningin ko. He looks like a handsome angel that peacefully sleeping beside me. Nakayapos pa ang braso niya sa baywang ko kahit nahihimbing ito. Inabot ko ito na magaang hinagkan sa noo bago sa mga labi. Nangingiti na lamang akong hindi niya manlang ako maramdaman. Pasado alasdos na rin kasi nang matulog kami. Nagpakwento kasi ito ng mga naganap sa akin sa America s

