ARABELLA: MATAPOS kong maligo, naiilang akong isuot ang damit na ipinabili ni Sir Adam sa assistant niya. Isa kasi iyong long dress na fitted sa katawan ko. Sleeveless red dress na nakalitaw ang likuran ko at ang taas ng slit sa right legs ko kaya kapag isusuot ko iyon, nakalantad ang braso, likuran at maging cleavage ko. Hindi ako sanay na magsuot ng revealing clothes na nasisilipan ako. Naiilang ako at hindi ako komportable lalo na't mga lalake ang kasama ko ngayon. Mabuti sana kung kasama ko dito si Dexter. "Bakit naman kasi gan'to ang binili niya e." Litanya ko na problemadong nakamata sa dress na isusuot ko. Kahit mamahalin at malambot ang tela nito, naiilang pa rin akong isuot ito. Mabuti sana kung may jacket na kasama. Kinuha ko ang suot ko kaninang damit at sinuri iyon. Hindi

