ARABELLA: KATULAD ng inaasahan ko, nagulat silang pamilya na mapatitig sa akin. Ako man ay naninigas sa kinatatayuan at hindi makapagsalita. Sa dami ng emosyong nadarama ko, hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Napatingala si Ma'am Hannah sa asawa nitong matiim pa ring nakatitig sa akin. Kahit kamukha ko si Janna, alam ko, ramdam ko, alam nila na hindi ako si Janna. "Daddy, what's this? B-bakit. . . bakit may kamukha ang dalaga natin?" nauutal na tanong ni Ma'am Hannah sa asawa nito. "Oo nga, Dad. Who is she?" Pagsang-ayon ng binata na may isa pang kamukha. Kung hindi ako nagkakamali, sila ang dalawang lalake sa quadruplets na panganay nila Ma'am Hannah at Sir Russel. Si Ryder at Riven Smith! Napalunok ako na parang naka-magnet ang mga mata. . . kay Sir Russel! "Wait, I'll just

