ARABELLA: NANGUNOTNOO ako na pinakiramdaman ang paligid. Kahit nakapikit ako, ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan na malinaw pa rin naman sa memorya ko ang nangyari kanina sa party. "Sweetheart, do you hear me?" malambing tanong ng boses babae na ibang-iba ang dating sa puso ko. "Mama," halos pabulong kong sambit. Napapisil siya sa kamay kong hawak-hawak niya. "Russel, did you heard it? She called me mama," naiiyak na saad ng boses na nasa tabi ko at dama ko ang galak sa kanyang boses. "I heard it, baby. I heard her." Pagsang-ayon ng baritonong boses. Hinaplos ako nito sa ulo at hinagkan sa noo. Napangiti ako sa isipan na ang sarap damhin ng haplos at paghalik niya sa akin. Na parang may napupunan siyang malaking puwang sa puso ko. Hindi

