Chapter 26

1544 Words
ARABELLA: “RUSSEL SMITH,” ulit kong sambit na parang may mainit na palad ang humahaplos sa puso ko. “Oo, anak, siya ang ama mo. Gusto kang makilala ng ama mo, anak. Kaya sumama ka na sa akin. Sumama ka na kay mama, anak,” aniya na nakikiusap. “Excuse me, ma'am, you're manipulating her and using her weakness for your own sake. Hindi mo pa rin makukuha si Ara sa amin,” wika ni Dexter na marahang pinisil ang braso kong hawak nito at natutulala ako. Para akong nahihipnotismo at muntik ng pumayag sa sinaad nito sa akin at sumama sa kanya. Nag-iba ang anyo niya na bumaling kay Dexter. Ang maamo niyang itsura kanina, biglang naging matapang na parang lobong manglalapa. “And who do you think you are to interrupt our conversation, hmm?” paninita nito kay Dexter. “Who am I? I am–” Napalingon si Dexter sa akin nang kalabitin ko ito. Nagtatanong ang mga mata nito na nakamata sa akin. Marahan akong umiling na ipinaparating sa kanyang. . . hwag na siyang makipagtalo. Sakto namang dumating na ang kotse ni gov at tiyak kong kasama niya si mama. Pinagbuksan sila ng gate na pinapasok ang sasakyan. Pagkahinto, bumaba kaagad si mama na nagmamadaling lumapit sa akin at pinanlisikan ng mga mata ang kaharap namin. "Ang kapal naman ng mukha mong sumugod dito. Hindi ka ba talaga titigil?" galit na sikmat ni mama dito. Lumapit na rin si gov na inakbayan si mama at kunot ang noo na napatitig sa babae sa labas na hawak ng guard. "What's going on here?" tanong ni gov. Napalunok ako at hindi nakaimik. Tumabi na din sa akin si Dexter at inakbayan ako. “Let’s go, panget.” Bulong nito. “I'm Vina, the biological mother of Arabella,” wika ng ginang na ikinalingon ko dito. Napatango-tango lang naman si gov na nagsulyapan sila ni mama. “A’right, so, what are you doing here, Mrs?” casual na tanong ni gov dito. “Mis pa ako,” masungit nitong turan kay gov na napairap. “Nandito ako para bawiin ang anak ko dahil hinahanap siya ng totoong ama niya. Pero itong Laura na ito, nagmamatigas,” dagdag niya pa. “Tara na,” bulong ni Dexter na inakay na ako. “Pero–” Napapalingon ako kina mama na naiwan namin. “Hayaan mo na ang matatanda na mag-usap-usap, panget. Hindi ka dapat basta-basta nagpapaniwala sa Vina na iyon. Ano ba'ng alam mo sa kanya, bukod sa pangalan niya, hmm?” pagalit nito na nanatiling nakaakbay sa akin at tuluyan na kaming nakapasok sa bahay. Bumalik kami sa sala at hinayaan sina mama at gov na sila ang humarap sa totoong ina ko. Hindi ako mapalagay. Palakad-lakad ako habang tinititigan ang picture na ibinigay ng biological mother ko sa akin kanina. Habang pinagmamasdan ko ang larawan ng sinabi niyang ama ko, pakiramdam ko, may napupunan sa malaking puwang sa puso ko. Hindi ko mapangalanan ang halo-halong emosyong nadarama ko habang pinagmamasdan ang larawan ng sinabi niyang ama ko! “Let me see that,” ani Dexter na kinuha ang larawan sa akin. “Oy, dahan-dahan lang naman. Baka mapunit mo,” reklamo ko dito na ngumising inakbayan ako habang tinitignan ang larawan. “Russel Smith,” usal niya na napanguso. “Ang gwapo niya noh? Saka, bagay na bagay ang pangalan at apelyedo niya sa kanya. Ibig bang sabihin nito. . . Smith din ako?” wika ko na hindi maitago ang saya at excitement. Ibinalik naman na nito sa akin ang picture saka hinugot ang cellphone sa kanyang bulsa. “Well, if he is your biological father, of course, panget, you're a Smith,” sagot nito na nakatuon ang attention sa kanyang cellphone. Naupo ito ng sofa na nakatuon ang attention sa kanyang cellphone. “Panget, come here, look at this,” anito na ikinalingon ko sa kanya. Sumunod ako na naupo sa tabi nito. Napasilip sa kanyang cellphone at nangunotnoo ako na makita ang pinagkaka abalahan nito. “Teka– papa ko ‘yan a,” saad ko na kinuha ang cellphone nito. “She's just tricking you, panget. Itong Russel Smith na tinutukoy niya, almost twenty years ng kasal at may masayang pamilya.” Wika nito. Napa-scroll ako sa screen at tinignan ang ilang post sa epbi account ng sinabi ni Vina sa aking biological father ko. Napapalunok ako habang isa-isang pinagmamasdan ang mga larawan nilang pamilya at maging ang mga anak nito. “Pero– paano kung siya talaga ang papa ko, Dexter? Makikilala ko na ang ama ko. Makikita, makakausap, mayayakap ko siya at makikita niya na ako– na may Arabella Garcia na nage-exist dito sa mundo. Paano kung papa ko talaga siya?” tanong ko dito na napabuntong hininga ng malalim at kinuha na sa akin ang cellphone niya. “Panget, you have to be careful, okay? Hindi mo siya kilala at oras na dinala ka niya sa Manila para ipakilala dito sa Russel Smith na ito na anak ka nila, do you think, hindi magkakagulo? May masaya na siyang pamilya, panget, at wala tayong kasiguraduhan na nagsasabi ng totoo ang Vina na iyon,” maalumanay nitong saad na ikinailing kong namuo ang luha sa mga mata. “Hindi mo ako naiintindihan, Dexter. Dahil ikaw, nand'yan na ang mama at papa mo. Kasama mo na sila, buo ka na. Mabubuo na ang pamilya mo. Habang ako? Ako, nangangapa pa ako sa malawak na disyerto at naghahanap ng mga kasagutan sa katauhan ko. Gusto ko lang naman na makilala ko rin ang mga totoong magulang ko e. Gusto ko lang naman na makita ko sila at magkakilala kami kahit hindi na kami mabuo pa. Gusto ko lang namang mapunan din itong malaking puwang sa puso ko e. Dahil kulang na kulang ako, Dexter. Kulang na kulang ang pagkatao ko,” naiiyak kong saad dito. “Ano ang kulang sa'yo, Ara? Bakit, anak? Kulang pa ba ang pagmamahal ni mama para sa'yo? Hindi pa ba sapat na mahal na mahal kita? Gusto mo ba akong iwanan, Ara?” Natigilan kami ni Dexter at napalingon na magsalita si mama. Hindi namin napansin na pumasok na pala sila ni gov at narinig ang mga sinabi ko. Napatayo kami ni Dexter. Nagpahid ako ng luha at hinintay itong makalapit sa amin. Nakasunod naman si gov sa kanya. “M-mama, hindi po sa gano'n,” nauutal kong saad dito nang makalapit na siya. Naluluha ito at bakas ang disappointment sa mga mata habang nakatitig sa akin. “Buong buhay mo, nagkulang ba ako, Ara? Ginutom ba kita? Pinabayaan ba kita? Pinasuot ba kita ng marumi? Buong buhay mo, ako na ang kasa-kasama mo, anak. Ako ang nag-aruga sa'yo, nagpakain, nagbihis, at nagpaaral. Ginagawa ko lahat para hindi ka magutom. Tapos ito ang maririnig ko sa'yo? Na kulang ka? Kulang na kulang ka?” mapait niyang turan na nagpipigil maluha. “Mama, hindi po kulang ang pagmamahal na ibinigay niyo sa akin. Ang ibig ko pong sabihin na kulang sa akin, iyong pagkatao ko, dahil hindi ko manlang kilala ang ama ko. Kung pagmamahal ng isang ina, sobra-sobra pa po ang pagmamahal na ipinagkaloob niyo sa akin, Mama. Pero anak din po ako na naghahangad na makilala ko rin ang ama ko. Kasi gusto ko rin pong maranasan na makasama ang ama ko. Kahit marinig ko manlang ang boses niya, makita ang mukha niya, makasama siya kahit saglit, sapat na po iyon sa akin.” Paliwanag ko kay mama na napailing. “Anak, nandito na kami oh? Si Damian, siya na ang magiging papa mo. May kuya ka pa oh? Nandidito din ako. May buong pamilya ka na dito, Ara. Kaya bakit mo pa sila hahanapin? Gayong wala tayong kasiguraduhan sa mga pinagsasasabi ni Vina sa atin. Isa pa, mas magtitiwala ka ba sa kanya, kaysa sa akin na kinalakihan mong ina?” wika ni mama na katulad ko, umaagos ang luha. "Naiintindihan ko po kayo, Mama. Pero sana maintindihan niyo rin po ako. Hindi ko po kayo ipagpapalit sa kanila. Pero gusto ko po silang makilala. Gusto kong makilala ang mga pinagmulan ko," sagot ko na ikinailing nito. "Sige, ito ang gusto mo, Ara? Sige, lumabas ka doon. Puntahan mo 'yong Vina na 'yon. Sumama ka sa kanya. Magtiwala ka sa kanya. Pero sa oras na ipahamak ka lang niya? Hwag kang tatawag at hihingi ng tulong sa amin. Ito ang gusto mo? Isusugal mo ang sarili mong kapakanan para sa mga salita niya? Sige, pumunta ka sa kanya," medyo mataas ang boses nitong saad na inawat ni gov. "Honey, calm down. Emosyonal lang si Ara ngayon. Hwag mong sabagay ng init ng ulo, hmm?" maalumanay na pag-aalo ni gov dito. "Mama, tama po si daddy. Nalilito lang si Ara kaya intindihin niyo na lang po siya." Pagsang-ayon ni Dexter na humawak sa braso ko. "Ihatid ko lang po si Ara sa silid niya." Tumango si gov sa amin nang akayin na ako ni Dexter na umakyat ng hagdanan. Naiwan naman si mama at gov sa sala at nakasunod ng tingin sa amin ni Dexter. "Hindi niya ako naiintindihan," mapait kong turan. "Shh. . . takot lang din si mama para sa'yo. Natatakot lang siyang. . . mapahamak ka, panget."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD