Chapter 27

1616 Words
ARABELLA: TAHIMIK akong nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard. Hindi naman na lumabas pa si Dexter. Nandito lang siya sa tabi ko. Malamlam ang mga matang nakatitig sa akin. “Sumusobra na ba ako na gusto kong makilala ang mga totoong magulang ko, Dex? Hindi ko naman tatalikuran si mama kapag nakilala ko na sila. Uuwi pa rin ako kay mama. Ang gusto ko lang naman, makilala ko rin ang mga magulang ko.” Tanong ko dito makalipas ang ilang minuto naming katahimikan. Napabuntong hininga pa siya ng malalim. “Hindi naman kalabisan iyon, panget. Naiintindihan ko ang punto mo. Bilang anak na nawalay sa aking ina, alam ko ang kagustuhan mo at kasabikan sa puso mo na makilala ang magulang mo,” sagot nito. Napatitig ako sa kanya. “Pero bakit hindi ako maintindihan ni mama?” Napailing ito na napatitig sa akin. “Siguro dahil ina siya, isang ina na nag-aalala para sa kaligtasan ng kanyang anak. Panget, eighteen years ka nang iniingatan ni mama. Wala siyang tiwala sa Vina na iyon kaya ayaw niya na maniwala ka sa mga salita ng babaeng iyon. Dahil paano nga kung niloloko ka lang niya? Ano'ng malay natin, may plano siya kaya gusto ka niyang kunin at dalhin sa Manila,” wika nito na nagpapaliwanag. Muli kaming natahimik. Ako man ay parang napagod na rin na ipagpilitan ang nais ko dahil pakiramdam ko, hindi nila ako naiintindihan. “Sige na, gusto ko na sanang matulog,” saad ko na humiga na sa kama at tumalikod sa gawi nito. “A’right, if you need anything, you can ask me. Nasa kabila lang ang silid ko. You're free to come in,” wika nito na tumayo at inayos ang kumot ko. “Goodnight, panget.” Nanatili akong nakapikit kahit humalik pa siya sa ulo ko at nag-goodnight. Kung dati, makita ko lang siya ay kilig na kilig na ako at kumpleto na ang araw ko, ngayon ay unti-unti nang nag-iiba ang pakiramdam ko sa kanya. Siguro dahil sa kaisipan na anak siya ni mama at hindi magtatagal. . . magiging iisang pamilya na kami. Lumabas ito ng silid na pinatay ang ilaw. Maingat na isinarado ang pintuan pagkalabas niya. Napahinga ako ng malalim na nagdilat muli ng mga mata. Nauunawaan ko naman ang punto ni mama. Ako man ay walang tiwala sa totoong ina ko. Pero may kung anong nag-uudyok sa akin na sumama dito para Naupo ako na inabot ang cellphone ko sa mesa at sumandal ng headboard. Nagbukas ako ng epbi account ko at hinanap sa social media ang account ng sinabi ni Vina na ama ko. Si Russel Smith. Napalunok ako at bumilis ang t***k ng puso ko habang itinitipa ang pangalan niya at iglap lang, nahanap ko ang account nito. Muli kong tinignan ang family picture nila na nasa cover photo niya. Nakangiti silang lahat doon. Nakaupo sila ng kanyang asawa sa sofa habang nakatayo sa likuran nila ang limang anak nila. Tatlong babae at dalawang lalake. Napatitig ako sa mga anak niyang babae, lalo na ang isa na mas matanda ang itsura sa dalawang babae. Hindi ko alam pero-- kusang umangat ang palad ko at hinaplos ang mukha niya. "Bakit gano'n? Bakit parang. . . kahawig ko siya?" usal ko. Namigat ang dibdib ko habang pinagmamasdan ito. Ang mga mata niya, ang ngiti niya, kung paano siya ngumiti at tumitig ay masasabi kong. . . kamukha ko! Mas maputi lang siya at mas maganda lalo na't unat na unat ang blonde niyang buhok, makinis ang maputi niyang balat. Magara ang suot at naka-makeup din. Kaya napakaganda niya. Pero ako, ako na minsan nang nakita ang sarili na nakaayos at kabisado ang mukha ko, sigurado ako. Sigurado akong. . . magkamukha kami! "Hindi kaya. . . ama ko talaga siya?" usal ko na napatitig sa larawan ng ama ko. Nangilid ang luha ko habang pinagmamasdan ito at nakangiti siya sa camera. Na tila nakangiti siya sa akin. Napatitig din ako sa kanyang asawa. Napakaganda ng asawa niya at kitang bata pa. Parang nakatatandang kapatid lang ng mga anak nila ang itsura ng asawa nito. Napakasaya nilang tignan sa family picture nila at kagalang-galang silang tignan. "Kung siya ang papa ko, ibig sabihin. . . mga kapatid ko sila," usal ko na isa-isang napatitig sa mga anak nilang nasa likuran nilang mag-asawa. Hindi ko namamalayan na bumubuhos na pala ang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan. . . ang mga posibleng kapatid ko! **** TPOV: NAGPUPUYOS ang loob ni Vina na tumuloy sa hotel sa bayan kung saan siya tumuloy at wala naman siyang kaanak sa probinsya. Sinadya niyang puntahan ang dating kaibigan niyang doon nakatira para bawiin ang batang iniwan niya dito noon– eighteen years ago. “Bwisit ka, Laura, ikaw pa talaga ang magiging sagabal sa mga plano ko?” usal niya na nagngingitngit ang mga ngipin. Nagsindi ito ng yosi na palakad-lakad sa balcony ng hotel room niya at iniisip kung paano makakalapit muli kay Arabella. Kitang-kita niya sa mga mata ni Arabella kung gaano ito nasasabik na makilala ang totoo nitong ama, kaya naman gusto niyang samantalahin ang pagkakataon bago pa magbago ang isipan ng dalaga! “Akala mo naman kung sino kang dakilang ina, Laura. E iniwan mo rin naman ang sarili mong anak at itinuon ang pangungulila mo sa anak mo sa ibang bata na hindi mo kaano-ano,” usal ni Vina na nagngingitngit ang mga ngipin at panay ang hithit sa yosi nito habang palakad-lakad. Nakatitiyak siyang magtatagumpay siya sa plano. Dahil kahit ipasuri pa ni Russel Smith si Arabella, nakatitiyak siyang positive ang lalabas na resulta ng DNA dahil totoong anak ito ni Russel! “Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang pinaghirapan ko noon, Laura. Kung hindi ko makukuha si Russel, at least, bilyon ang perang makukuha ko mula sa kanya kapag nadala ko si Arabella sa mansion ng mga Smith,” usal nito na napangisi sa naiisip. Siya si Vina Sanchez, dating beauty queen at minsan nang naka-fling ng isang tanyag na bilyonaryo, si Russel Smith! Plinano niyang lapitan si Russel, akitin ito at ipagkaloob ang katawan. At dahil binata pa noon si Russel at mapusok din, nagtagumpay siyang makasama ito sa kama. Pero ang isang gabing pinagsaluhan nila, hindi na naulit dahil kalaunan ay naibalita na kasal na pala si Russel! Hindi matanggap ni Vina ang pagpapakasal ni Russel at sa isang ordinaryong babae pa! Kaya naman binantayan niya ang kilos nila Russel at asawa nito. kalaunan ay nabuntis ang asawa ni Russel kaya lalo siyang kinain ng inggit at selos! Gusto sana niyang mabuntis din siya ni Russel para may habol siya dito at kahit may asawa na– magkakaroon pa rin sila ng connection! Hindi biro ang hinintay niyang tamang pagkakataon para maisakatuparan ang plano niya. Ang hintaying magsilang ang asawa ni Russel. . . at tangayin ang anak nila! Nang magsilang na ang asawa ni Russel, nahirapan siyang lumapit dahil bantay sarado ng mga bodyguard ang mag-iina. Pero isang araw, umayon din sa kanya ang pagkakataon. Nagkataon noon na nagkasakit ang dalawa sa quadruplets nila Russel at asawa nito. Kaya napasugod sila sa hospital, at dahil quadruplets ang mga bata, nahahati ang attention nila Russel sa apat na bata. Nagpanggap siyang nurse noon ng hospital at malayang pumasok ng nursery room kung saan naroon ang dalawa sa quadruplets na babae. Habang nasa loob siya ng nursery, nagkagulo ang mga tao dahil sa pagkakaroon ng sunog sa silid katabi ang nursery room na pakana ni Vina kasama ang mga bayad niyang tauhan! Mabilis niyang nakuha ang isa sa mga kambal na babae at sinamantala na malakas ang usok kung saan nagkakagulo ang mga tao! Nagdatingan na rin ang mga nurses para ilabas ang mga baby sa nursery kaya sumabay na siyang lumabas dala. . . ang isa sa quadruplets nila Russel at asawa nito! Mabilis silang nakalabas na hindi nahalata ang dala nilang bata dahil maliit pa ito at madaling maitago sa suot niyang jacket, idagdag pang mausok at Nmnagkakagulo ang mga tao sa loob ng hospital. Kaya madali lang silang nakalabas ng mga tauhan nito at nakaalis sa hospital. . . dala ang bata na isa sa mga tagapagmana ni Russel! Isang gabi pa lang sa poder niya ang baby, hindi na niya makaya. Dahil bukod sa wala siyang alam sa pag-aalaga ng sanggol, naiinis siya sa bata dahil anak ito ni Russel sa asawa nito! Kinuha niya lang ang bata dahil plano niya itong palabasing anak nila ni Russel! Pero dahil iyakin ang bata, dinala niya ito sa kanyang kaibigan na alam niyang nangungulila sa anak nito na sapilitang kinuha sa kanya noong bagong silang pa lang si Laura! Nagtagumpay siyang makuha ang isa sa mga anak ni Russel. Ipinagkatiwala niya ang bata sa kanyang kaibigan dahil bukod sa mainit pa kay Russel at asawa nito ang nangyari sa isa sa mga anak nila, kailangan niyang mag-ingat. Hindi kasi matanggap ng mag-asawa na naiwan sa loob ng nursery room ang isa sa anak nila at kasama sa mga hindi nailigtas! **** Napangisi si Vina na itinapon sa paso ang upos ng yosi niya habang sumasariwa sa isipan ang nakaraan. Eighteen years na rin ang nakakalipas. Kaya nakatitiyak siyang hindi makakahalata ang mag-asawang Smith na ang dadalhin niya sa mansion nila. . . ay ang anak na inakala nilang matagal ng namayapa! "Tiyak na hindi mo makikilala ang totoong anak mo, Hannah. Humanda ka dahil simula na. . . ng pagguho ng masayang pamilya mo. Sisiguraduhin kong-- mapupunta pa rin si Russel sa akin lalo na ngayon na dadalhin ko na sa inyo. . . ang anak namin," nahihibang usal nito na may malapad na ngisi sa mga labi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD