Chapter 28

1517 Words
ARABELLA: TINANGHALI ako ng gising dahil madaling araw na ako nakatulog. Hindi rin kasi ako dalawin ng antok kaya isa-isa kong sinilip ang social media account ng mga anak ni Sir Russel. Mabuti na lang, naka-tag ang epbi account nila sa family picture nila sa account ni Sir Russel kaya madali ko silang nahanap at ini-follow silang lima. Lahat sila ay kilala sa internet. May milyon-milyon silang followers at kada post nila, umaabot ng milyon ang reaction. Nahiya naman ang wala pa sa isanglibo kong followers sa epbi. Mga reactor ko rin do’n ay kami-kami lang nila Jessa, Tina at si mama. Kaya minsanan lang akong magpost sa epbi ko dahil wala din namang namamansin sa mga post ko, maliban sa tatlong best friend ko. Si Tina, Jessa at syempre– si mama. “Maaga ka namang natulog a. Why you look like panda today, hmm?” pag-uusisa ni Dexter na siyang naabutan ko dito sa baba at lumabas sila mama at gov. Nakabusangot ako. Kakagising ko pa lang pero heto at tila nang-aasar na naman ang isang ito. Porke palaging gwapo at wala kang maipintas sa physical looks niya. “Masakit ang ulo ko, Dex. Tantanan mo muna ako,” nakasimangot kong sagot. Napanguso naman ito. “Really? May lagnat ka ba, panget?” tanong niya na napasalat pa sa leeg at noo ko na dinama ang init ko. “Hindi ka naman mainit a.” “Masakit nga ang ulo ko. Bakit ba mas marunong ka pa sa akin e katawan ko ito?” ingos ko na pumikit at sumandal ng armrest. “Do you want to take a medicine? O magpakonsulta tayo d'yan sa RHU,” alok pa nito. Nanatili naman akong nakapikit. “Hwag na. Tinatamad ako at hindi ko rin gustong umiinom ng gamot. Ang pait kaya,” sagot ko. “Para din maibsan ang kirot ng ulo mo, panget. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” aniya na inismiran ko. “E ikaw, hmm? Napapadalas na yata ang pakikialam mo sa akin a.” Ingos ko ditong ngumisi. “Because you're stubborn,” aniya na ikinabusangot ko. “Ano ‘yon? Stubborn? Ano ba ‘yong stubborn?” tanong ko ditong napailing na bumaling na sa hawak na libro. Nakabusangot ako na napapikit. Inaantok pa talaga ako at gustong matulog. Wala din naman kaming gagawin dito sa bahay dahil may mga katulong sila Dexter dito. Idagdag pang lumabas muli sila mama at gov dahil sinasamahan ni mama si gov sa trabaho. “Are you hungry? May pagkain naman sa kusina.” Wika nito makalipas ang ilang minuto naming katahimikan. “Hindi ako gutom,” sagot ko na nanatiling nakapikit. “Iniisip mo ba ang sinabi sa'yo ng Vina na ‘yon na ama mo? Kaya ka napuyat?” tanong ulit nito. Nagdilat na ako ng mga mata na napalingon ditong nakatuon ang paningin sa binabasang libro. “Paano mo nalamang nagpuyat ako?” namamangha kong tanong. Napailing pa siya na napasulyap saglit sa akin bago muling bumaling sa librong binabasa. “Look at yourself in the mirror, panget. Panget ka na nga e, nagpupuyat ka pa. Mas cute pa tignan ang panda kaysa sa'yo,” naiiling wika niyang inirapan ko. “Makauyam ka naman sa akin, e hinahalik halikan mo nga ako e,” ismid ko na hindi ko na napigilan! Natawa naman ito na ibinaba ang libro at saka bumaling sa akin. Napanguso akong hindi siya tinitignan kahit napakalagkit ng titig niya! Hindi ko tuloy mapigilang kiligin na matiim siyang nakatitig sa akin! Napalunok ako nang umusog ito sa tabi ko na dumikit pa talaga sa akin! Hindi ko tuloy maawat ang puso ko na nagtatatalon sa loob ng ribcage ko! “May sinasabi ka, panget?” pabulong tanong nito na napakalandi sa pandinig ko! Impit akong napairit sa isipan na napalapat ng labi at halos dumikit na ang labi niya sa pisngi ko! Tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan na tumatama sa balat ko ang mainit at mabango niyang hininga! “W-wala a, lumayo ka,” kulang sa diin kong sagot na itinulak ito sa balikat palayo sa akin pero– ni hindi siya gumalaw. Napalingon ako sa kanya at nagtama ang paningin namin. Lalo tuloy nagkarambola ang pagtibok ng puso ko na mapatitig sa mga mata niya nang gan'to kalapit! “A-ano ka ba? May makakita sa atin,” pabulong saad ko at inilapit niya pa ang mukha! “So what? I'm not afraid, panget,” aniya at walang anu-ano, lumapat ang mga labi niya sa aking mga labi na halos ikaluwa ng mga mata ko! “Uhmp!” Impit akong napaungol na nakurot siya sa braso nang may kariinan niyang sinipsip ang ibabang labi ko! Para na nga akong mahihimatay sa sobrang kaba dahil baka makita kami ng mga katulong nila, pero heto at enjoy na enjoy itong inaangkin ang mga labi ko! Mabuti sana kung nasa silid kami pero heto at nandidito kami sa sala nila! “Uhm– tama na, ano ka ba? Makita nila tayo, isusumbong nila tayo kina mama,” mahinang asik ko na naghahabol hininga. Napalinga ako sa paligid namin. Mabuti na lang, wala naman kaming ibang kasama dito sa sala! Para akong nabunutan ng tinik na nakatarak sa aking dibdib na makumpirmang walang nakakita sa amin! Mahina naman itong natawa na ikinalingon ko dito at pinaningkitan ko ito. Hindi pa kasi inilalayo ang mukha. Pero kitang lumamlam ang mga mata niya at may mababakas kang kakaibang kinang sa mga iyon! Nag-iinit tuloy ang pisngi ko na sobrang lapit ng mukha niya sa akin, idagdag pang naghalikan kami sa mga labi! “Gusto mo rin naman ang halik ko e, kunwari ka pa,” anito na napisil pa ang ilong ko bago siya umayos ng upo. Inabot ko ito na nakurot sa brasong mahinang natawa at napadaing dahil diniinan ko ang pagkurot sa kanya. Tatawa-tawa naman ito na napahaplos pa sa brasong kinurot ko. "Magkakapasa ako, panget, ikaw talaga." Reklamo niya pa. NAKANGUSO akong nanonood sa TV dito sa sala. Nagpatuloy naman ulit sa pagbabasa sa libro si Dexter pero nandito pa rin siya sa tabi ko. Nakahiga ako sa sofa habang nakaunan sa lap niya. Mabuti na lang, wala siyang sumpong at hinayaan lang akong nakaunan sa lap niya. Nasa baba ko pa nga ang palad nito, habang ang isang kamay ay hawak-hawak ang libro. “Uhm, Sir Dexter, may babae po sa labas ng gate, tinatawag si Ma'am Ara.” Napalingon kami ni Dexter sa katulong nila na lumapit sa amin dito sa sala. Napaupo ako na nangunotnoo. “Ako po?” tanong ko na naituro ang sarili. Tumango ito na pilit ngumiti sa akin. “Opo, ma'am. Nagpupumilit nga pong pumasok e.” Sagot nito. “Mga kaedaran ko po ba?” tanong ko na maalala sina Jessa at Tina. Umiling siya na ikinalunok ko. “Hindi po, ma'am, matanda na po iyon at supistikada po siya,” sagot nito. Napalingon ako kay Dexter na nagtanggal ng kanyang reading glasses at ibinaba na rin sa center table ang hawak na libro. Tumayo na ito na napahingang malalim. “Pakisabi sa mga guard, paalisin na ang babaeng iyon at nanggugulo lang siya dito,” malamig na sagot ni Dexter dito. “Sige po, sir.” Sagot nito na yumuko sa amin bago lumabas ng bahay. "Tara," anito na hinila ako sa kamay at umakyat ng hagdanan. "Teka, gusto ko siyang makausap, Dex." Wika ko. "No, panget. Ang sabi ni mama, hwag na hwag kitang ipapakausap sa babaeng iyon. Bibilugin lang niya ang ulo mo, panget. Para sumama ka sa kanya at gagamitin na naman niya ang kahinaan mo, at iyon ang tungkol sa ama mo." Sagot nito na dinala ako sa kanyang silid. Napalunok ako at hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Na akala mo naman ay tatakbo ako sa higpit ng kanyang pagkakahawak sa akin. "Okay na po. Nasasaktan na ako sa higpit ng pagkakahawak mo sa kamay ko," saad ko na ikinasulyap nito sa kamay namin at bahagyang niluwagan ang pagkakahawak sa akin. Napaikot ako ng mga mata na binawi ang kamay ko at nagtungo sa may bintana. Napasilip ako sa labas at nakita naman ang hinahanap ko. Napalunok ako na mapatitig sa kanya na pinapaalis ng mga guard pero nagwawala ito na tinatawag ako. "Hwag kang maawa sa kanya, panget. Hindi nga siya naawa na iwanan ka noon e. Kung talagang nagsisisi siya noon pa? Matagal na sana siyang nagpakita. Bakit kung kailan malaki ka na. . . saka siya magpapakita 'di ba?" wika nito na yumakap sa akin mula sa likuran ko. Napasinghap ako na madama ang init at tigas ng katawan nitong nakadikit sa likuran ko. Hindi ko tuloy maawat ang puso kong kiligin na yakap-yakap ako ngayon ng ultimate crush ko! Kahit naman kasi suwayin ko ang sarili ay hindi ko mapigilang kiligin sa mga sandaling ito! "Forget about her, panget. Focus on me," pabulong anas nito sa punong-tainga ko. Napasinghap ako na namigat ang paghinga nang maramdaman ang kanyang malambot na labi na nagsimulang halikan ako sa leeg! "D-dexter."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD