ARABELLA: TULALA akong napasunod ng tingin kay Dexter na pumasok na ng mansion. Kahit gusto ko siyang habulin at alamin ang buong kwento, para naman akong nakapako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos. Hindi maproseso ng utak ko ang nabanggit nito. "Ano'ng ibig niyang sabihin? M-may nangyari sa kanya nang gabing iyon? Hindi siya ang nag-text sa akin noon?" usal ko sa isipan. "Anak, kakain na tayo!" Napabalik ang ulirat ko na tawagin ako ni mama na nasa pintuan ng mansion. Natigilan ito na makitang nakatulala ako sa kinatatayuan. Bumaba siya at nilapitan ako na matiim na nakatitig sa akin. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Ano'ng problema, anak?" tanong nito na napasuri sa kabuoan ko. "Mama. . . s-si D-dexter po ba. . . may hindi po ba kayo sinasabi sa akin tungkol sa

