Chapter 11

2027 Words

MATAPOS naming kumain, naiwan kami ni Dexter dito sa kusina. Nasa sala ang mga magulang namin at masayang nagkukwentuhan at naglalambingan. Malakas pa rin ang ulan. Mukhang may habagat kaya gan'to ang panahon. Naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin. Habang si Dexter? Hayon at naka-sitting prince. Nakadekwatro pa ang binti at relax na relax na nagce-cellphone. Ang sabi ni gov, tulungan niya akong magligpit pero heto at kahit iniligpit ang pinagkainan niya o punasan ang mesa, hindi niya ginawa. “Bilisan mo d'yan, panget. Inaantok na ako,” aniya na ikinalingon ko sa kanya. “Problema mo? E ‘di umakyat ka na sa taas at matulog,” naiinis kong sagot dito na ngumisi sa akin. “Kung ikaw, kaya mong matulog na walang ligo? Ako hindi. Ibahin mo ako, okay? Nakalimutan mo yata ang sinabi ni mama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD