ARABELLA: PASADO alasotso na nang may humintong kotse sa tapat ng bahay. Tapos na rin naghain ang mama ng hapunan. Nagugutom na nga ako pero hinihintay kasi namin si gov. “Baka si Damian na iyan. Sandali lang ha?” ani mama sa amin ni Dexter. Tumango kami dito na tumayo at nagtungo sa pintuan. Sakto namang kumatok na ang bisita. Pinagbuksan ito ni mama at hindi nga kami nagkamali, si gov na ang dumating. Napayuko ako na nag-kiss pa sila ni mama. Parang kinurot ako sa puso na makita iyon. Ibig sabihin, wala ng pag-asa na mabuo pa ang pamilya ko. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ang papa ko e. “Ikaw talaga, akin na ‘yan,” ani mama. “Okay lang, honey, mabigat ito,” tugon ni gov na isinarado na ang pintuan. Tumayo na din si Dexter. “Oh, bakit hindi ka pa nagbibihis, anak?” tanong ni go

