Chapter 9

1920 Words
ARABELLA: MATAPOS naming magkausap ni mama, umakyat na muna ako ng silid para asikasuhin ang sarili ko. Nakakahiya namang humarap kay gov na may towel pa ako sa ulo. Abala pa rin naman si Dexter sa cellphone niya nang dumaan ako kaya hindi ko na pinansin pa. Naupo ako sa silya at humarap sa salamin. Napatitig ako sa aking repleksyon at inalis ang suot na round reading glasses. Nai-insecure talaga ako sa kulay ng balat ko. Maputi naman ako noong bata ako, kahit noong nasa elementary. Makinis ang balat ko lalo na sa mukha. Pero noong mag-highschool na ako at nagkaroon na ng monthly period, biglang nagtubuan ang pimples at blackheads sa mukha ko. Hindi na nila nilubayan ang mukha ko at ginawa na nilang syudad ng pimples at blackheads. Araw-araw na lang nagpipisat ako sa mga blackheads ko at mga pimples kong hinog na. Hindi naman sila naaalis-alis, bagkus ay mas dumadami pa nga. Dati sa noo lang ako merong mga blackheads at pimples na tumutubo e. Pero habang tumatagal, parang katulad na sa paglobo ng population sa bansa. Habang tumatagal, parami sila nang parami. Kung dati parang sitio sa barangay lang sila, ngayon parang syudad na. Nakakainis. Umitim din ako at palaging nakabilad kami sa araw. Kahit kasi tanghaling tapat, maglalakad kaming magkakaibigan at wala pang payong. Wala akong ginagamit na pampaganda. Kahit nga lotion at kojic ay wala. Ayokong magpabili kay mama dahil alam kong sapat lang para sa pagkain, pag-aaral ko at mga pangangailangan namin sa pang-araw-araw ang kinikita niya sa pagtitinda sa palengke. Kahit nga may karamdaman ito, nagtitinda pa rin siya. Hindi siya nagpapahinga kahit linggo pa, umuulan o kaya ay matumal ang bentahan. Wala kasi kaming sapat na pera. Wala nga kaming ipon sa bangko e. Kaya kailangang kumayod ni mama sa araw-araw. Inalis ko ang towel sa ulo ko at nagsuklay. Napatitig ako sa mga narito sa study table ko. Ni walang skinol cleansing o creame ako dito na para sa mukha ko. Tanging polbo lang ang narito, mga book, notebook at ilang gamit ko sa school. “Lubayan niyo na kaya ako, ano? Hindi ba pwedeng umalis na kayo sa mukha ko? Sawang-sawa na ako sa inyo kaya umalis na kayo,” inis kong litanya sa mga pimples at blackheads ko habang isa-isang pinipisat ang mga ito. Napapadaing ako at mahapdi talaga siyang pisatin para mapalabas ang laman. Pero ang rumi niya kasing tignan sa mukha kung hindi ko sila pipisatin kaya kahit masakit, tinitiis ko para maalis lang ang mga malalaking blackheads ko at mga nahinog kong pimples. Madalas nga ay napapadugo ko ang pimples ko sa tuwing masobrahan kong pisatin at mahirap palabasin ang laman no'n. MATAPOS kong asikasuhin ang sarili, bumaba na ulit ako. Hindi ko pinansin si Dexter na naroon pa rin sa sala at abala sa mga ka-chat niya. Ni hindi nga siya napasulyap sa akin kaya bakit ko siya papansinin? Tumuloy ako sa kusina. Sakto naman nagluluto na ang mama. “Ma, tulungan ko na po kayo.” Wika ko. Malakas pa rin ang ulan at pasado alasyete na. Napangiti naman ang mama na napalingon sa akin. Makalat pa kasi ang mesa at marami na siyang naitambak na hugasin sa lababo. “Salamat, anak ko.” Aniya. Nilinisan ko na muna ang mesa at isinilid sa garbage bag namin ang mga basura. Sunod ay hinugasan ko na ang mga nakatambak sa lababo at nakakahiya naman na maabutan ni gov na gan'to kakalat ang kusina namin. May kaya sila gov at malaki din ang bahay nila. Kaya kahit maliit ang bahay namin, at least, komportable naman sila ng anak niya na tumuloy dito dahil kahit maliit ang bahay namin at simple lang, malinis ito at maayos. “Anak, ‘yong totoo, ayaw mong tumira si Dexter dito, tama?” mahinang tanong ni mama habang naghuhugas ako at nagluluto ito– magkatabi lang kasi kami. “Nakakailang lang po, Mama. Lalake siya at alam mo naman na ka-batch ko siya iyon nga lang. . . nasa mataas siyang section habang ako ay nasa pinakamababa.” Sagot ko. Napabuntong hininga ng malalim ang mama. “Pasensiya ka na ha? Pero kailangan mo rin kasing masanay na may mga bago na tayong makakasama sa buhay. Syempre, para na rin maihanda kayo ni Dexter at katulad mo, solong anak din ‘yan. Para kapag kinasal na kami ni Damian, hindi na kayo maiilang ni Dexter na titira sa iisang bubong at tawagin ng mga taong magkapatid,” aniya pa na ikinalukot ng mukha ko. “Ayoko siyang maging kapatid,” ismid ng utak ko na hindi ko na lamang isinatinig at masasaktan ang mama. “Magiging magkasundo din kayo ng batang iyan, anak. Alam mo, mabait naman iyan e, at matino. Malaki ang tiwala namin ni Damian sa kanya. Kaya nga pumayag akong dito siya titira sa atin para mas magkalapit tayong tatlo,” wika pa ng mama na hindi ako sumagot. “Mali ka, Mama. Suplado po kaya ‘yan. Siya ang tinaguriang hearttrob sa school namin. Siya rin po ang president namin at pinakamatalino sa lahat ng mag-aaral. Kaya nga arogante e.” Hindi ko napigilang naisatinig. Natawa naman ito. “Ikaw naman,” aniya na naiiling at natatawa. “Hindi naman talaga siya suplado, anak. Introvert person kasi ang batang iyan. Kaya ang tingin ng mga tao, suplado o masungit sila. Akala mo lang mahirap silang pakisamahan at tahimik sila pero– kapag naging komportable na siya sa iyo, makikita mong hindi naman talaga suplado si Dexter,” wika pa nito. “Anim na taon ko na po siyang nakikita sa school at nakakasalamuha, Mama. Kaya alam kong suplado siya. Kayo po, ngayon-ngayon niyo lang naman po siya nakakasalamuha, ‘di ba?” wika ko dito. Napanguso pa ito. “Mali ka, anak. Matagal ko na siyang kakilala. Hindi ka pa naipapanganak, kilalang-kilala ko na ang batang iyan,” wika pa nito na may bahid ng lungkot ang boses. "Paano niyo po nasabi, Mama?" tanong ko na nahihiwagaan. Napailing naman ito. "Syempre, maagang pumasok sa pulitika ang ama niya, anak. Noon, isang councilor sa bayan lang ang daddy niya. Nagsimula ang ama niya sa mababang ranggo sa pulitika. Hanggang sa nakilala siya ng taong bayan, minahal siya dahil sa maayos na pagtrato sa lahat at responsible na councilor. Unti-unti, tumaas ang ranggo ng ama niya. Mula sa Vice Mayor, naging Mayor ng ilang taon. Pinaunlad itong bayan natin at mas minahal ng mga tao. Kaya nga hindi natatalo sa kada eleks'yon si Damian e. Dahil maayos at malinis ang track record niya sa bayan natin sa larangan ng pulitika. Kaya sino ang hindi nakakakilala sa nag-iisang anak niya, 'di ba?" sagot ng mama na ikinanguso ko at tama naman ito. "Naku, balikan mo na si Dexter doon, anak. Patapos na rin naman ako dito. Salamat sa pagtulong kay mama ha?" aniya pa na ikinatango ko. Kahit ayoko sanang bumalik sa sala at narito si Dexter, wala naman akong ibang pagpipilian. Naupo ako sa pwesto ko kanina. Abala pa rin siya sa cellphone niya kaya hinugot ko rin sa bulsa ng jogger pants ko ang cellphone ko. Sakto namang may mga text na pala ako mula kay Tina at Jessa, meron din mula kay Inigo. Una kong nireplayan ang dalawang kaibigan ko at may group chat naman kaming tatlo. Doon kami palaging nag-uusap kapag nasa bahay kami. “Maayos ako, hwag na kayong mag-alala sa akin. Nandito ako ngayon sa bahay.” Reply ko sa group chat namin. Kaagad na nag-seen ang dalawa at sabay pang nag-reply. “Ano'ng nangyari sa'yo, bestie? Bakit hindi ka bumalik sa gym?” tanong ni Tina. “Kumusta ang sulat mo? Nailagay mo ba sa bag ni Dexter?” tanong pa ni Jessa. Napabuga ako ng hangin bago nagtipa. “Oo, nailagay ko. Ang totoo niya'n, narinig ko sila ng mga kaklase niya kanina sa locker room e. Tinutukso siya na hindi ko na raw siya masusundan sa college. Pinagtatawanan nila ako ng mga kaklase niya. Ang sabi pa ni Dex, hindi daw siya mahuhulog sa akin. Hindi ako ang type niya.” Reply ko. Nag-sad emoji react naman ang mga ito. “Nakakainis naman.” “Kaya pala hindi ka na bumalik. Kumusta ka?” Mapait akong napangiti. “Maayos ako. May balita pa ako pero atin-atin na muna ha?” sagot ko. Kay bilis namang nag-reply ang dalawa. Hindi halatang chismosa din sila. Gan'to kami sa group chat namin. Kung hindi kami magkakasama, dito kami nagchichismisan ng mga ganap sa buhay namin at syempre– sa buhay ng iba. "Ano 'yon, bestie?" "Dali na, ano 'yon?" Napangiti ako na napailing. Ang chichismosa talaga. "Nandito si Dexter sa bahay." Sagot ko. Nag-shocked emoji react ang mga ito sa sinaad ko. "Di nga?!" "Totoo?!" "Bakit siya nand'yan?!" "Magso-sorry ba siya sa'yo?" "Ano'ng nangyari kanina nang marinig mo sila? Nakita ka nila?" Sunod-sunod na ang pagtunog ng chat notification ko at magkakasunod na ang chat ng dalawa na hindi naman halatang curious na curious sila sa mga ganap ko! Napahagikhik ako na naiiling sa dalawa. "Hindi ko alam kung nakilala niya ako kanina. Tumakbo ako palabas ng locker room nang marinig ko sila at nakayuko ako. Tumuloy ako sa rooftop at doon tumambay. Umiyak ako kanina. Nadurog ako sa mga narinig na kinukutya ako ng mga kaklase niya at sumabay pa siya. Tapos ngayon heto, naabutan ko sa bahay namin na kausap ang mama." Pagkukwento ko. "Awts. Kaya pala hindi ka na bumalik." Ani Tina. "Sayang nga e, wala tayong graduation pictures noong pagkakuha sa diploma natin," si Jessa. "Kumusta ka, Ara?" "Bakit daw siya nariya'n?" Napangiti ako. "Dito na muna siya titira sa amin. Alam niyo, boyfriend pala ni mama si Gov, pero-- hwag niyo munang ipagsasabi sa iba ha?" pagbibigay alam ko na pinaalalahanan pa ang mga itong sabay na nagulat sa aking sinabi. "Ano?!" panabay pa nilang sagot na ikinangiti ko. Hindi ko napapansin, nakatitig na pala si Dexter sa akin at nakakunot ang kanyang noo. Nakalapag na rin sa mesa ang cellphone niya at masama ang tinging iginagawad sa akin na busy sa pag-reply sa mga kaibigan ko. Sakto namang tumawag si Inigo kaya napatuwid ako sa pagkakaupo at sinagot na muna ang tawag nito. "Hello, Inigo?" bungad ko. "Hi, congratulations ulit, Ara. Siya nga pala, bakit wala ka kanina noong nagmart'ya tayo?" tanong nito. "Uhm, salamat, ikaw rin, congratulations-- ayt!" Napatili ako sa gulat na may humablot sa cellphone ko at pinatay na ang tawag! Naningkit ang mga mata ko na sinamaan ng tingin itong seryoso ang mukha at ini-blocked niya pa talaga ang number ni Inigo at binura! "Ano ba'ng problema mo?" inis kong sikmat na inagaw ang cellphone ko dito. "Ang ingay mo kasi. Para namang may kwenta ang usapan niyo," sagot nito na pabalang bumalik sa kanyang upuan. Sinamaan ko ito ng tingin. "E 'di sorry, hindi kasi kami katulad mo na genius at palaging may kwenta ang usapan niyo ng mga friends mo," nakataas kilay kong sagot na inirapan itong napangisi. "Hindi ka yata aware. . . na magiging kuya mo ako, panget? Don't look at me like that at hwag mo akong sinasagot ng pabalang," aniya na ikinaikot ng mga mata ko sa inis. Akmang ia-unblocked ko sana ang number ni Inigo at nasa call logs ko pa naman ang number nitong binura ng magaling na hudyo pero muli itong nagsalita. "Try to unblock him, babasagin ko 'yang cellphone mo, panget." Aniyang bakas ang kaseryosohan na ikinatigil kong hindi nakakilos sa kanyang tinuran!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD