N A T A S H A
. . .
"Sa'n ka pupunta?" agad na tanong ko nang mabilis siyang nakasampa sa may bato at inahon ang kaniyang sarili. Pinatuyo niya pa ang buhok niya sa mismong harap ko kaya may tumalsik na tubig sa akin.
"Hindi ako magtatagal." hindi talaga siya sumasagot ng diretsyo, kung ano-anong sagot ang sinasabi niya.
Bago pa ako makapagsalita ay nakalakad na siya papalayo kaya naman sumandal na lang ako sa may bato at pinagkrus ang aking braso dahil giniginaw na ako.
Naririnig ko na ang mga kuliglig at may mga kulisap din ang lumilipad sa paligid. Sobrang ganda rito, pero hindi ako mapalagay na ngayon ay mag-isa lang ako.
Nang makarinig na ako ng ingay sa likod ko ay lumingon na ako. Nakita ko siya na may dala nang bag at dalang tuwalya sa isa niya pang kamay.
"You look like a freezing sht," magaspang na kumento niya kaya naman pinilit kong sumampa sa may bato at hatakin ang sarili ko pataas pero hindi ko alam kung saan ako kakapit.
The man heaved a deep sigh before lending me his hand so I held his wrist, he did the same to me. Pero muli akong nataranta nang may maramdaman akong gumagalaw na bagay sa ilalim, natamaan ang hita ko!
"What was that?!—woah! Wait!" saglit kong nabitawan ang kamay niya kaya ganon din siya pero nang hawakan ko ulit ay siya naman ang nahila ko pababa.
Nanatiling nakadilat ang mata ko sa tubig dahil sa takot na baka may mangyari sa akin sa ilalim. Tumingin ako sa aking mga hita kung ano ang bagay na tumama sa akin at nakita ko namang may nagpalutang-lutang na plastik sa may gilid ko. Naiinis kong kinuha 'yon at pinunit hanggang sa tumingin ulit sa lalaking nakatingin din sa akin.
Ginamit ko rin ang oras na 'yon para kumapit sa buong braso ng lalaki, naiiyak ako nang maka-ahon kami. Mas nadagdagan pa 'yon nang makita kong ang galit na mukha ng lalaking nasa harap ko.
"What the hell is wrong with you?" sigaw nito sa akin at binitawan ang dalawang braso ko kaya wala akong nagawa kungdi kumapit ulit sa bato.
"May ano. . . may gumalaw kanina sa ilalim akala ko kung ano, plastik lang pala." he combed his hair using his finger and look away from me.
"Muntik nang mabasa ang gamit na kinuha ko." napayuko ako dahil sa hiya. Galit nanaman siya baka mamaya iwan nanaman niya ako rito.
"Sorry," ngayon na lang talaga ako nagsisi sa mga pinaggagawa ko. Kanina pa ako nagiging pabigat sa kaniya, wala pa rin siguro ako sa sarili.
Gusto ko naman talagang lumangoy pero parang hindi naman nakiki-cooperate 'tong katawan ko.
Hindi na ako nagsalita nang hawakan nito ang bewang ko at tinulak ako papataas para makasampa ako sa bato. Pinilit ko namang makaahon pero nakagat ko ang labi ko nang hawakan nito ang pwet ko para matulak ako ng maayos.
Sa sobrang ilang at pamumula ay nagmadali akong umupo sa may damuhan habang nakayuko. Tinapunan niya pa ako ng tuwalya kaya naman pinunasan ko na ang mukha ko at pinatuyo ang sarili.
Pumunta pa kami sa may talon para lang makaligo. Napatingin naman ako sa kaniya nang makitang nakabihis na siya. Simpleng t-shirt at sweatpants lang naman ang suot niya pero ang attractive niyang tignan sa paningin ko. Ni hindi ko nga alam kung mayaman ba siya o hindi. I mean, sinabi ko na noon na mukhang siyang gansgter. But I didn't knew that I'll be attracted to tanned guys.
"Tinitingin mo?" masungit na sabi nito nang mahuli ang titig ko. Inaayos niya na ng nakalagay sa bag niya ngayon. Ngumiwi naman ako at tumingin sa kung saan. Nakabalot pa rin ako ng tuwalya ngayon at suot ko pa rin ang basang damit na ginamit ko kanina.
"Kailangan ko ng tuyong damit," I pointed out, hugging myself even more.
Mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko, muli pa akong napatingin sa kaniya nang marinig ang malalim na pagbuntong hininga niya ngayon. He's now frowning while grabbing a v-neck shirt and red jogging pants then gave it to me.
Napapikit ako ng ilang beses, "Basa rin ang panty at bra ko."
Huli na nang mapagtanto ko ang binulong ko dahil masyadong bulgar ang pagkakasabi ko, nanlaki ang mata ko at paniguradong namumula na ngayon. I blowed with my mouth shut, making my cheeks chubby.
"Undergarments, I mean." kagat-labi kong pagkokotek sa sinabi ko. Narinig ko naman ang pag-ubo niya at ngayon ay hindi na ako makatingin sa kaniya.
"Sa tingin mo may bra't panty ako?" nakakunot-noong sabi niya kaya mas lalo lang akong nahiya dahil parang pinagtatawanan niya ako. Ginaya niya pa ang sinabi kong panty at bra.
Noong nasa bahay pa kami, hindi ko naman siya nakakausap ng ganito. We're always civil. Nasa bahay na ang lahat ng mga pangangailangan ko dahil may mga damit doon ng asawa ni Carl Andrew kaya nagagamit ko.
Umiling na lang ako at tumakbo palayo para makapagtago at makapagpalit. Hindi rin naman nagtagal ay natapos na ako. Hawak-hawak ko sa kamay ko 'yung basang mga damit at nanatiling suot pa rin 'yung undergarments. Nanatiling nakatikom ang bibig ko, nakabalot pa rin ako ng tuwlya dahil sa sobrang hiya.
Kahit na hindi siya sumasagot alam kong nakangisi pa rin siya ngayon. Hindi na lang ako nagsalita at sinundan siya. Nakabalik kami sa may truck at madali rin kaming nakaalis doon.
Nakatingin pa rin ako sa labas dahil hanggang ngayon nahihiya pa rin ako, mukhang wala naman siyang balk kausapin ako kaya hindi na ako nagabalang magisip ng mapaguusapan.
Huminto lang ang truck sa isang abandonadong pabrika, itinigil niya ito sa mismong loob. Itinago ko ang takot ko nang makita ang lugar. Ganitong-ganito 'yung lugar kung saan tinotorture ng gansgter 'yung isang tao. Idagdag a na madilim sa lugar, at 'yung tunog ng tubig na tumutulo sa kung saan.
Ang creepy. Nakasunod lang ako sa lalaki at hindi lumayo sa kaniya dahil medyo nakakatakot 'yung aura. Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang kwarto na walang kahit anong pinto pero maraming kagamitan. May higaan doon at kung ano-ano pa.
"Hideout ba 'to?" bigla kong tanong pero hindi siya sumagot. Mukhang may hinahanap siya sa mga drawers, umupo naman ako sa higaan at nagulat pa ako dahil malambot 'yon. Seriously, what is this place?
"Ikaw lang ba mag-isa dito?" tanong ko pa ulit bago niya ako iwan dito. Hindi niya man lang ako nilingon. "Baka lang naman may babae dito, girlfriend? Katrabaho? Ewan. O kaya naman lalaki, baka hindi nila alam na nandito ako—"
"Ako lang ang nandito," putol niya sa kung ano-anong sinasabi ko kaya naman tumango na lang ako at pinilit na ngumiti.
Hindi ba dapat sinabi niya kaming dalawa lang ang nandito? Did he just ignored my presence here?
Napahiga na lang ako sa kama dahil sa pagod, kung ano-ano pang mga iniisip ko habang tinitignan ang buong lugar. Does he live here?
Ilang minuto pa ang nakalipas at unti-unti na akong nabobored kaya naman nagsimula na akong lumibot sa buong kwarto. Walang kahit anong pintura 'yung mga pader kaya puro cemento lang ang nakikita ko, ganon din sa sahig. Halatang inabandona na talaga, nacurious naman ako kung anong hinahanap niya sa mga drawers kaya nilapitan ko iyon at nabuksan.
My jaw dropped when I saw what's inside. Puro brief at boxers. I slammed it back on it's place when I heard footstep near me. Lumingon ako at nakita doon ang lalaki na nakatingin din sa akin. May hawak na siyang paperbag, nakita ko pa kung paano niya tapunan ng tingin ang drawer sa harap ko.
Please, let him not conclude anything bad.
"Oh," tamad na sabi niya at nilapag 'yung paperbag sa isang box. Hindi nanaman tuloy ako makatingin sa kaniya.
God, bakit ba puro na lang kahihiyan ang nagagawa ko ngayong araw? Nakakainis. Mabilis siyang nakaalis kaya naman tinignan ko kung anong nakalagay doon sa paperbag.
Pero muli akong napaubo nang unang bumungad sa akin ang box ng panty pati na rin ang bra. Meron ding plastic container ng pasta, fruits at chicken sa loob.
Saan niya nakuha 'to?
***
He said that he live here alone but he never said that no one knew this place.
Nakatambay lang ako sa kwartong 'yon at kung ano-anong ginagawang paglilibang ang ginawa buong magdamag, hindi niya rin kasi ako binisita.
Pero nang mapagpasyahan kong lumabas, may narinig akong isang boses ng babae. Huminto tuloy ako sa at tahimik na pinakinggan ang paguusap nila.
"What are you up to, Ephriam?"
"Wala,"
"Then para saan 'yong undergarments na pinadala mo kagabi? I made an exemption because you looked tired but now, you better answer me."
Then there's nothing but a sound of movements of the objects. Luh, edi ibig sabihin may inutusan siya para makuha 'yung binigay niya sa akin kanina? Sumilip ako sa ligtas na paraan para makita ang babae pero nakatalikod ito sa akin. Long straight black hair and a petite body, parang mas matangkad pa nga ata ako. Pero kahit na likod lang ng nakikita ko, pakiramdam ko ang ganda ng babae.
"Nagkita na ba kayo ng kapatid mo?"
"That's impossible, mom." he answered, now busy typing in a keyboard. Mom? So sa ganitong klaseng lugar sila nakatira?
"Don't let me wander around this place, Ephraim. Patatalsikin ko kung may babae kang inuuwi rito."
Kinakabahan ako bigla dahil sa sinabi ng babae. Kinagat ko ang aking labi at nagtago ulit sa aking pwesto, ano nang gagawin ko? Aalis na ba ako? Hell, nakakatakot 'yung pagkakasabi niya na patatalsikin niya ako. I mean, babae ako at inuwi niya ako rito.
Hindi niya naman sinabi na may bumibisita sa kaniya rito. What to do? What to do?
"Okay then," nataranta ako nang marinig ko ang paglalakad ng babae at base pa sa tunog nito ay papunta pa sa direksyon ko. Ang akala ko may oras pa ako para makatakbo ng mahina pero nagulat na lang ako nang may sumulpot sa harap ko.
Halos sabay pa kaming napatalon dahil sa gulat, "Aha! May babae nga!"
Then she pointed at me, that's when our eyes met. Unti-unting nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang babae sa harap ko habang siya naman ay nakakunot ang noo sa akin.
"Beatrice Jewel," I recited her name.
Sariwa pa sa isip ko kung paano siya nakaalis sa cryogenic chamber ng mga whites at kung paano nila hilahin ang katawan nito ng parang hayop. May puti na ang buhok niya noon pero ang makita ang bata niyang kaanyuan ay hindi ko inaasahan. Siya 'yung babaeng pinagexperimentuhan din ni Mr. Walter at ang isa sa mga inampon nito.
Papaanong buhay pa siya kung nakita ko ang katawan nito na wala nang buhay?
"Who are you?" takang tanong niya sa akin, tinaasan niya pa ako ng kilay kahit na medyo nakatingin siya sa taas dahil mas matangkad nga ako sa kaniya. "You look familiar."
"I-I'm," I stutter, "Natasha."
Am I talking to a ghost?
Hindi ko alam kung paano ko ipapakilala ang sarili ko sa kaniya. Pinagmasdan ko siya at kataka-takang mukha siyang bata ngayon. Noong huli ko siyang makita may mga puting hibla na ang kaniyang buhok pero ngayon, wala man lang akong nakikitang wrinkles sa mukha nito.
"And? Anong koneksyon mo sa anak ko?" she asked in toxicity. Nagulat ako sa paraan ng pagkakasabi niya, parang hinuhusgahan niya ako at may ginawang mali.
Pero agad akong umiling sa kaniya, "W-wala po. We're just strangers."
Hindi pa rin siya naniniwala sa sinabi ko kaya pinanatili ko ang seryoso. Pinakatitigan ko siya at pilit na binabasa. Anak niya ang lalaking tumulong sa akin, yes, that was clear.
Kaya pala kilala ng lalaking 'yon si Mr. Walter at tinanong kaagad kung anong pangalan ko. Napasulyap ako sa lalaking dumaan sa tabi namin at parang walang pake kung nagkita man kami.
He said that if he mentioned his full name, I would literally know who he is just like how he got the idea of me when I tell him my full name. He was the son of my parents' friends. One of the children who've got missing.
But we're a total stranger.
"Talaga?" she stepped forward, "Then why are you here? Hindi mo ba alam kung anong pinapasok mo, Natasha?"
I didn't flinched on her words, because I was used to hold the intensity of Mr. Walter's and the whites' stares in that place. So staring back at her was nothing but a piece of pie. All that was holding me back to be rude was my respect to her as a ninang.
Ninang?
"Tell me what's happening. You're already dead, am I talking to a ghost?" her eyebrow shut down as she stared back at me, it was now forming a furrowed eyebrow.
"Who the fvck are you?"
I was still confused, I break our stare and think of something. There's only one possible reason why is she here and how did she managed to be in here.
"I can't believe it. Aside from seeing death in your nightmare, you can also travel in time?" I gasp and look at her.
Hindi ako makagalaw habang nakatingin sa mukha nito na may nakakunot na noo. She looked fragile in front of me, I was almost towering her so I took a step back to see her full feature.
How come a delicate person like her can almost defy death?