N A T A S H A
. . .
It's on fire. The house was burning when we left that place. Wala akong nasabi nang halos ilang minuto niya akong iniwan, hinihintay kung anong mangyayari sa susunod. Ang alam ko lang, pinatay niya 'yung dalawang lalaki at sinunog niya ang bahay na para bang sinusunog niya ang lahat ng mga ebidensya.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pangyayari at nakatingin lang sa labas. Sumulyap ako sa lalaking katabi ko at iyon pa rin ang lalaking unang tumulong sa akin.
And for the second time, he helped me escaped from the bad guys.
Pero hindi nawala sa isip ko si Priam. Sinunog niya ang bahay niya at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit nasa lalaking 'to ang truck niya. Naguguluhan ako. Kaya kahit na kinakabahan ako ay tinapangan ko ang sarili ko at nagtanong.
"Where's Priam?" Nagpapasalamat pa ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nautal.
Sumulyap lang ito sa akin ng saglit bago niya itinuon ang tingin niya sa daan. Pinatay niya ba si Priam? Paano niya nalaman na nandoon ako? 'yung bag? Nakuha niya na ba?
Gusto ko pang magtanong pero parang nawalan na ako ng lakas dahil napakaseryoso ng mukha ng lalaki. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod. Ngayon na nahanap niya na ulit ako, hindi na matigil sa pagwawala ang kinakabahan kong sistema.
Bigla niya na lang bumagal ang pagpapandar niya ng truck hanggang sa huminto na ito. Nanlaki ang mata ko nang lumingon ito sa akin, hindi ko naman alam kung sasalubungin ko ang tingin niya. He threatened me and now, he witnessed that.
Napaatras ang ulo ko nang itaas niya ang kamay niya sa direksyon ko. He gave me a pissed look because of what I did.
"Why didn't you fight back?" nakakunot noong sabi niya sa akin.
I hid my nervousness in my frown. "Dalawa sila at lalaki pa. Anong magagawa ko-"
"So?" he raised an eyebrow, "Hindi 'yon dahilan para tumigil sa pagkawala."
I gasped in disbelief and my tears were theatening to fall. "So you think, I let them do that to me? You think that I gave up? I was helpless in their arms! I panicked and disgusted, I was scared of everything that they could do to me! Sinong babae ang gugustuhing ma-r**e?! Yes, women are now treated fairly in this world but it doesn't mean that they have the same strength as men! I was outnumbered!"
Sunod-sunod na sabi ko, punong-puno ng emosyon ang mga salitang sinabi ko. May diin ang bawat salita. Akala niya ba ganon lang kadali 'yon?
Natahimik siya sa sinabi ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit 'yon ang una naming napag-usapan. Noong nakaraan lang parang ganon din ang ginawa niya sa akin, kitang-kita niya naman na hindi ako makalaban. Ganon na ba kataas ang tingin niya sa sarili niya?
I breathe and tightly closed my eyes. f**k, why is this happening to me? Kinalma ko ang sarili ko. Bakit halos lahat sila ginagamit lang ako para makuha ang gusto nila? Bakit lagi na lang ganito? Akala ko noong nakatakas na ako sa lugar na 'yon, hindi na ako makakaranas ng karahasan pero hindi pa pala huli 'yon.
Narinig ko na lang ang paglabas ng lalaki sa truck, tumutulo na ang luha ko. Iniyak ko na lang muna ang lahat dahil sa sobrang hinanakit na nararamdaman ko sa mundong 'to. Nakakainis. Sobrang hina, walang kwenta.
***
Matapos kong maiyak ang lahat ay nakatulala na lang ako sa labas, madilim na at nasa gitna pa kami ng kalsada na parang hindi naman nagagamit dahil puro halaman, patag at mga puno lang ang nakikita ko sa lugar. Hindi pa rin bumabalik ang lalaking 'yon. Nang tumingin ako sa paligid ay hinanap ko kung saan na siya napadpad. Tumingin ako sa maliit na bintana sa likod ko at nakita doon na nakaupo ang lalaki.
May hawak na siyang yosi habang nakatingin sa kaniyang gilid, tinitignan ang araw na papalubog. Bahagya kong nakikita ang mukha nito dahil nakaipit ang buhok niya.
Napasinghap pa ako nang bigla itong lumingon sa direksyon ko kaya napaayos ako ng upo. Umubo pa ako napahilamos sa mukha ko na may tuyong luha. Pinunasan ko ang mukha ko hanggang sa bumukas ulit ang pinto pero paglingon ko, bigla na lang sumulpot si Priam na may kulot na buhok at may iilang tumutubong balbas. Nakaputing t-shirt at nakapantalon lang din siya katulad ng damit ng lalaki kanina.
He smiled at me. "Okay ka na ba?"
Hindi na mawala ang pagtataka sa mukha ko nang makita ko siya. Bigla na lang siyang sumulpot, kanina lang ng kasama ko rito ay ang lalaking may mahabang buhok. May namumuong ideya na sa isip ko.
Hindi ako sumagot kaya tuluyan na siyang nakasakay, papaandarin niya na sana ang truck pero mabilis kong nahuli ang kamay niya. Nagulat man siya pero hinayaan niya lang ako.
"Saan ka nagpunta, Priam?" I asked in stern voice.
He heaved a deep sigh before answering, "Work. I'm sorry for leaving you alone there-"
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya, "Hindi ikaw ang kasama ko kanina."
Sinalubong ko ang mga mata nito. Hindi na ako magpapaloko, alam kong may mali sa nangyayari. I dugged my nail in his hand, not breaking my stare at him and he did the same.
"Why? Who do you think I am?" nanghahamong sabi niya.
Hindi siya ang Carl Andrew na nakita ko sa birth certificate sa bahay na 'yon, hindi siya 'yung lalaking tinutukoy ng dalawang lalaki. Dahil matagal nang patay si Carl Andrew, nakita ko sa papeles na nakatabi roon.
"Sinundan mo ako, ikaw ang lalaking tumulong sa akin para makatakas kila Mr. Walter." matapang na sabi ko. "Noong gabing kinukuha ko ang bag sa'yo, kaya pala hindi mo binigay sa akin dahil ayaw mong makita ko ang laman ng bagay na 'yon. You've been giving me hints, all this time. Hindi ko alam kung paano mo nagawang. . . ibahin ang itsura mo. "
Ganito rin ang nararamdaman kong kaba noon, parehas sila ng presensiya kaya parang pamilyar siya sa akin. Magkapareho sila ng binibigay na inis sa akin.
For all this time, hindi pala ako nakatakas sa kaniya. Nagpanggap lang siya sa kaanyuan ni Carl Andrew na matagal nang patay. 'Yon din ang dahilan kung bakit wala siyang pakialam nang malaman ko ang patungkol sa asawa at anak ni Carl Andrew dahil hindi naman talaga siya ito. Kaya rin pala ayaw niyang ibigay sa akin ang bag na ninakaw ko dahil sa kaniya talaga 'yon. Ito rin ang dahilan kung paano niya nakakayang sunugin ang lugar na 'yon.
I can't believe that I'll ever find someone like me after I escaped at that place. What a fate!
"Wow," He tilted his head with a smirk, obviously teasing me, "Ngayon mo lang napansin?"
"Sino ka ba talaga? Bakit mo pa ako sinundan? Kakampi mo ba si Mr. Walter? Balak mo akong ibalik doon, no?" Panghuhusga ko at binuksan ang pinto sa aking gilid nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Kahit papaano naman, may tsansa na akong tumakbo. Pinasadahan niya rin ng tingin ang ginawa ko at muling binalik sa aking mga mata ang tingin.
"If I'm with them, I should've just let you go that night and didn't shoot one of them."
"Then why? Bakit nililigtas mo 'ko?"
"I don't know," he started the engine, "Lock the door."
Pinaandar niya na ang truck bago ko pa magawa ang inuutos niya. Ayoko naming mahhulog kung kaya naman sinunod ko na lang siya. Hindi na nagsalita kaya ganon na lang din ako. Ilang oras pa ang nakalipas bago niya hininto ang truck. Doon ko lang napansin na malubak pala sa dinadaanan namin at hindi na siya kalsada. Sa harap ng truck ay may nakaharang na bakod doon at nakalock pa ito.
Napatingin naman ako sa kaniya nang bumaba siya sa truck, sinundan ko ito ng tingin sa labas. Ang akala ko ay kakalasin niya ang padlock pero tumalon siya papasok sa may bakod at lumingon sa truck.
"Ayaw mong lumabas?" Natauhan naman ako kaya agad kong tinanggal ang seatbelt at lumabas nga ng truck.
Hindi ko alam kung anong gagawin kaya sumunod na lang ako sa kaniya. Maingat akong tumalon sa may bakod. At muling niyakap ang sarili ko dahil sa biglaang pag-ihip ng hangin. Agad kong hinabol ang lalaki nang makalayo ito. Huminto lang ito nang wala nang lupa sa harap niya.
Magtatanong na sana ako kung anong gagawin pero bigla na lang siyang naghubad ng damit sa harap ko kaya iniwas ko na ang tingin ko. Pero hindi rin nagtagal ay binalik ko rin nang makita kong bigla siyang tumalon. Napasinghap ako nang dumausdos ang katawan niya sa baba kaya hinabol ko siya ng tingin.
That's when I saw a lake, 7 meters below of the cliff. I saw how he fall in clean dive. I waited for his head to go up but a few seconds had passed but I saw nothing.
Kinakabahan akong tumingin sa paligid, "Hey!"
Hindi ko alam kung anong itatawag ko at nang makakita ako ng paggalaw ng tubig malapit sa may gilid, nakita kong humawak ito sa may bato at naghilamos ng mukha. Inayos pa nito ang buhok niya kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Tumingin ulit ito sa direksyon ko at tinignan ako na para bang hinihintay niya rin akong tumalon. Napalunok naman ako sa taas ng kinatatayuan ko. Tinignan ko ulit ang tubig at hindi ko alam kung gaano ito kalalim.
Gusto ko na rin naman maligo dahil naalala ko ang ginawa sa akin ng mga lalaking 'yon kaya naman umayos na ako ng tayo at huminga ng malalim.
Sa isang sigaw ay tumalon na nga ako. Nakatingin lang ako sa baba habang ang mga kamay at paa ko ay para bang naghahanap ng makakapitan. Napasinghap pa ako nang maramdaman ko na ang tubig sa paa ko at unti-unti na akong lumubog sa tubig.
Pero nataranta ako nang makita ko ang dilim sa ibaba kaya pilit akong lumangoy papataas pero parang wala namang nangyayari. Hindi ko rin sinasadyang naibuka ang bibig ko dahil sa pagkataranta.
Nauubusan na ako ng hangin nang maramdaman kong may humawak sa bewang ko at hinila ako papaitaas. Humugot ako ng malalim na hininga nang maiangat ko ang aking ulo.
"Wag kang malikot," rinig kong sabi ng lalaki na hawak-hawak pa rin ang bewang ko ngayon habang lumalangoy papunta sa may gilid. Ginaya ko naman ang pagpadyak nito kaya nakarating din kami agad at napakapit na ako sa bato.
Humihingal akong tumingin sa kaniya na ngayon ay unti-unti na akong binibitawan, "Salamat."
Doon ko lang napansin na nakahawak pala ako sa braso niya kaya naman tinanggal ko na 'yon. He's half-naked.
"Tsk, di ka pala marunong lumangoy." naiinis na sabi nito at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha niya. Ngayon ko lang ulit natandaan ang mukha niya.
"Kaya kong lumangoy," I defesively said.
"Really?" nakataas na kilay na sabi niya. Hinuhusgahan niya ba ako?
"Matagal na rin kasi nang lumangoy ako!" Sabi ko pa.
"If you really can, your body will automatically pull you up. Just like how everyone drive bicycle." sabi niya pa at tumalikod sa bato.
"Well, kaya kong magbike."
"Magkaiba 'yon," walang ganang sabi niya bago ako iwan para lumangoy ulit.
Tumahimik na lang ako kahit na naiinis ako sa kaniya. Hindi naman ako makapaniwala na makikita at makakausap ko siya ulit. Akala ko magiging maganda na ang buhay ko kasama si Priam o dapat bang sabihin Carl Andrew, pero maging doon ay hindi pa pala.
Napabuga ako ng hangin at napahilamos sa aking mukha. Nakahawak pa rin ako sa bato na para bang ito na lang ang mahahawakan ko ngayon.
Ilang minuto lang ay nakita ko siya ulit sa kabilang gilid, pinagmamasdan ko lang siya sa paglangoy. Nakikita ko na parang kalmado lang siya habang lumalangoy dito sa lawa. Napapaligiran lang din ito ng mga puno at mga halaman, medyo hindi rin ako mapalagay dahil ang dilim na sa paligid at tanging ang buwan na lang ang nagsisilbing ilaw sa kapaligiran.
Nawala ulit ang lalaki sa paningin ko kaya napahawak ako ng madiin sa bato nang maramdaman ko ang malamig na hangin.
Gusto ko nang umahon dahil medyo giniginaw na ako pero napatili ako nang biglang may humawak sa binti ko at hinila ako pababa.
At sa ilalim ng lugar na ito, doon ko lang naramdaman na parang bumagal ang lahat. Ang buhok ko ay banayad na nakakalat sa tubig habang ang mata ko ay nakatingin sa taong humila ng binti ko pababa, magkasing-pantay na ngayon ang aming tingin. Nginisian niya ako nang makita ang gulat na reaksyon ko. Nakakalat din ang buhok nito at kahit na madilim sa ilalim ay kitang-kita ko ang hubog ng katawan niya.
Kahit na gusto ko siyang suntukin ay kumapit agad ako sa braso niya para maiahon kaming dalawa.
Humugot ulit ako ng malalim na hininga nang makaahon na kami, doon lang ako nagkaroon ng lakas na suntukin ang balikat niya dahil sa inis.
"Ugh, nakainom ako ng tubig! Leche ka, Priam." I grimaced because of the taste. "Lasang lumot! Eww,"
I cough when I remembered the aftertaste, I shivered in disgust. Tinaasan niya ulit ako ng kilay at doon lang ako natauhan dahil sa itinawag ko sa kaniya. Umiwas namang ako ng tingin.
"Sorry, hindi ka nga pala si Priam." sarkastiko kong sabi at itinago ang mukha ko sa may bato dahil sa ginaw.
"That's only a nickname." nakangising sabi niya.
"What's your real name then?" I asked instead, looking at him.
"Ephriam, atleast ako hindi nagsinungaling sa pangalang binigay ko." he shrugged after remembering something.
I hissed when I remember what name I gave to him. Sinabi ko pala ang buong pangalan ko sa kaniya tapos nahalata niya pang nagsinungaling ako nang sabihin ko ang Nathalyn na pangalan.
"Atleast ako sinabi ko ang buong pangalan ko," balik na sabi ko sa kaniya. "What's your full name then? Tell me."
"If I tell you, you would literally know who I am."
. . .