Pinakalma muna ni Lily si Hasmin, binigyan niya ito ng tubig na maiinom pagkatapos ay hinintay na niya na magsalita ito. Sa itsura pa lang ni Hasmin ay halata na mabigat ang dinadala nitong problema kaya naman hindi na inisip pa ni Lily ang nakaraan. Kahit hindi humingi ng tawad ang kaibigan sakanya at kahit na hindi siya pinansin ito ng matagal na panahon ay tinatanggap pa rin niya si Hasmin. "Sige, iiyak mo lang kung ano man iyang pinagdadaanan mo ngayon. Nandito lang ako, handa akong makinig. Sabihin mo sa akin kapag handa ka na sabihin ang lahat ng hinanakit mo ha?" sabi ni Lily kay Hasmin "Wala na kami ni Oliver, Lily. Ang sakit-sakit para sa akin na ang taong pinakamamahal ko, ang taong pinagkatiwalaan ko ng buo ay hindi pala ako ang mahal talaga. Akala ko hindi ako masasaktan dahi

