After 2 days Araw na ng birthday ni Gerald, abala ang lahat dahil alam nilang madaming pupunta. Marami kasing kaibigan ang binata. "Alam mo, ako ang na-eexcite para sa birthday mo. Labing-walong taong gulang ka na, mahal ko." sabi ni Lily kay Gerald "Ako nga din eh, excited na rin ako sa mga susunod kong birthday kasi alam kong sa bawat taon na darating ay ikaw ang kasama ko." sabi naman ni Gerald kay Lily "Araw ko ba ngayon? Bakit mo ako pinapakilig ng ganyan? Ikaw may birthday ngayon ah." sabi ni Lily kay Gerald "Alam mo, kahit hindi mo naman birthday ay tiyak na papakiligin kita lagi. Alam mo naman iyon hindi ba?" sabi ni Gerald kay Lily "Tigilan mo na nga iyan, doon ka na sa labas at tiyak na hinihintay ka na nila doon. Huwag kang uminom masyado ha? Alam mo naman ang mangyayari k

