Lumabas si Tiya Miding sa kwarto niya dala-dala ang napakadaming damit para labhan ni Lily. Kawawang Lily, lagi na lang ganito ang sinasapit niya kay Tiya Miding. "Labhan mo ang mga ito. Pagkatapos nyan ay magdilig ka ng halaman sa ating bakuran." masungit na sabi ni Tiya Miding kay Lily "Ang dami mo yatang inuutos sa bata. Baka naman mapasma iyan at hindi mo na mautusan asawa ko. Sige, ikaw din ang mahihirap niyan." sabat naman ni Tiyo Alberto "Huwag mo sabihing kampi ka na sa batang ito? Aba, kailan pa? Mukhang hindi ko yata alam iyan ah?" pagtataray pa ni Tiya Miding "Asawa ko, hindi naman porket pinagtanggol ko ang bata ay kampi na ako sakanya. Pwede ka namang mag-utos sa bata pero isa-isa lang." sagot ni Tiyo Alberto "Aba, at kampi ka na nga sa batang ito. Kung gusto mo ay sumama

