(SPG) Habang naghuhugas ng mga plato si Lily ay lumabas ng kwarto ang kanyang tiyuhin. Bagong gising ito at magtitimpla ng kape. "Oh Lily, bakit nandito ka pa? Hindi ba dapat ay nasa eskwela ka na sa ganitong oras? Anong nangyari? Bakit hindi ka pumasok?" tanong ni Tiyo Alberto kay Lily Takot na takot si Lily na sumagot kay Tiyo Alberto. Nakaramdam na kasi ng matinding trauma si Lily sa matanda pero wala naman siyang laban dito kaya sumagot na lang siya. "Hindi na po ako pinapasok ni Tiya Miding dahil baka daw po nagsusumbong ako sa aking guro. Hindi na daw po ako papasok kailanman." sagot ni Lily "Haynaku, tingnan mo nga naman ang matandang iyon. Kung anu-ano na lang ang nagiging desisyon. Eh nagsusumbong ka nga ba hija?" sagot ni Tiyo Alberto "Hindi po. Hindi ko po kayo kayang isum

