Kinabukasan ay agad na pinaalam ni Lily sakanyang tiyo at tiya na pupunta mamayang hapon ang kanyang guro. Agad namang nagalit ang mga ito sakanya.
"Bakit naman pupunta iyon dito? Haynaku! Gastos nanaman ba iyan?! Lily, may ginawa ka bang katarantaduhan kaya ka pupuntahan dito?!" sigaw ni Tiya Miding kay Lily
"Hayaan mo munang magsalita yung bata. Galit agad ang inuuna mo asawa ko. Aabutin ka ng highblood niyan, tingnan mo. Ano ba iyon, Lily? Bakit pupunta dito ang guro mo?" tanong ni Tiyo Alberto kay Lily
"Eh titingnan po daw kung maayos at mabuti ang kalagayan ko. Bawat estudyante naman po ay pupuntahan niya. Na-assign lang po talaga ako ngayong araw." sabi ni Lily sakanyang tiyo
"Eh huwag mo na papuntahin pa dito iyon. Sabihin mo na lang na maayos ka at masaya naman tayong apat. Pwede naman siguro iyon hindi ba?" sagot ni Tiyo Alberto
"Sinubukan ko na po iyon. Ilang beses ko na pong sinabi na huwag na dahil ayos naman po tayo ay hindi po ako pinaniwalaan ng guro ko." sagot ni Lily
"Kaya ba pupunta ang guro mo ay dahil sa mga grado mo sa eskwelahan? Iyon ang sabi niyo kahapon hindi ba?" sasaw naman ni Kuya Gerald sa usapan
Nung oras na iyon, alam na ni Lily na kahit hindi siya nakatingin kay Tiya Miding ay nausok na ang tenga nito sa galit. Inis na inis si Lily sa Kuya Gerald niya dahil nasabi pa ang bagay na ito sa harapan ng dalawang matanda.
"Anong sinasabi ng Kuya Gerald mo tungkol sa mga grado? Bagsak ka na ba sa mga aralin mo?! Sabihin mo sa akin, Lily! Hinahayaan mo na bang bumagsak ka?!" sigaw ni Tiya Miding
"Naku, hindi po! Hindi po ako bumabagsak sa eskwela. Hindi po pwede iyon dahil alam kong magagalit po kayo kapag bumagsak po ako." sagot ni Lily kay Tiya Miding
"Siguraduhin mo lang, bata ka! At kapag nalaman ko na nabagsak ka na ay hindi na kita pag-aaralin kailan man! Sinasayang mo lang ang pera ko!" sigaw ni Tiya Miding
"Oh, iyan ka nanaman eh. Huwag ka na magalit sa pamangkin mo, agang-aga eh. Sige na, Lily ako na ang bahala sa Tiya Miding mo, umalis na kayo ng Kuya Gerald mo." sabi ni Tiyo Alberto
"Salamat po, aalis na po kami ni Kuya Gerald, Kuya Gerald halika na. Pumasok na tayong dalawa." sabi pa ni Lily sa Kuya Gerald niya
Noong sinasabi ni Lily ang mga salitang iyon. Sa totoo lang ay inis na inis siya sa Kuya Gerald niya dahil ito ang dahilan kung bakit siya napagalitan ni Tiya Miding.
Wala namang magawa si Lily, hindi naman niya kayang awayin ang Kuya Gerald niya dahil alam niyang kapag inaway niya ito ay lagot siya kay Tiya Miding.
Anak pa rin ito ni Tiya Miding, pwede nitong sabihin ang gusto niyang sabihin. Baka baliktarin pa nito si Lily at mas lalo pang mapahamak ang dalagita kaya naman tatahimik na lang si Lily.
Pagpasok sa eskwelahan ay agad siyang sinalubong ni Hasmin na may malaking ngiti sa mga labi. Ano nanaman kaya ang nangyari sa kaibigan ni Lily?
"Lily, tingnan mo! May flower at chocalate doon sa upuan mo! Hindi ko alam kung kanino galing kaya naman ikaw na ang tumingin! Dali, excited na ako." sabi ni Hasmin kay Lily
Agad na tiningnan ni Lily ang box ng chocolate at ang flower pero wala naman itong letter kaya naman labis ang pagtataka ni Lily kung kanino galing ang mga iyon.
"Wala namang nakalagay na pangalan eh. Baka hindi naman talaga sa akin iyan. Baka nakilagay lang, sa tingin mo Hasmin?" sagot ni Lily sa kaibigan
"Naku, ano ka ba? Sa tingin ko naman ay sa iyo iyan. Sino namang baliw ang maglalagay niyan dyan kung hindi para sa iyo ang mga iyan, aber?" sagot ni Hasmin kay Lily
Hindi pinansin ni Lily ang mga iyon. Sa halip ay binigay na lamang niya ito sa kaibigang si Hasmin. Hindi naman malaking bagay iyon sakanya. Saka nasa isip niya na bata pa naman sila.
"Kung gusto mo ay sa iyo na lang iyan, hindi ko naman kailangan ng mga ganyan. Hindi naman iyan ang pinunta ko dito sa eskwelahan eh. Isipin mo na lang na kay Oliver galing ang mga iyan." sabi ni Lily sa kaibigan
Tuwang-tuwa naman si Hasmin na kinuha iyon at hindi na nag-atubili pa. Ngayon lang kasi siya makakatanggap ng ganoon kaya masayang-masaya siya.
"Ang swerte-swerte mo nga na may nagbibigay sa iyo ng mga ganito. Bahala ka, akin na langito ha?!" sabi ni Hasmin kay Lily
"Oo na nga, sa iyo na iyan. Walang aagaw sa iyo. Malay mo ikaw na ang bigyan niyan sa susunod. Tara na nga, umupo na tayo, baka padating na si Ma'am eh." sagot ni Lily kay Hasmin
Nung uwian na ay nagpaalamanan na sila ni Hasmin sa isa't isa. Agad siyang pumunta sa kanyang guro.
"Handa ka na ba? Huwag kang matakot ha? Hindi ba't sabi ko naman sa iyo na nandito lang ako para sa iyo." sabi ng guro ni Lily sakanya
"Hindi niyo naman po mawawala iyon sa akin. Nakakatakot po kasi talaga sila pero kailangan ko po silang harapin na kahit alam kong delikado ang ating gagawin." sabi ni Lily sakanyang guro
Sumama na sila kay Kuya Gerald pauwi. Halata mo kay Lily na kabado ito at hindi mapakali. Malagpasan na kaya niya ito o mas lalo lang na lalala ang lahat?