Tama nga si Lily sa iniisip niya. Galit na galit na bumalik sa bahay si Tiya Miding. Heto nanaman siya, haharapin nanaman niya ang dragon ng buhay niya. "Walanghiya kang bata ka! Nagsusumbong ka ba sa guro mo? Sabihin mo sa akin ang totoo, Lily! Bakit parang may alam ang guro mo tungkol sa ginagawa namin sa iyo ng tiyuhin mo?!" sigaw ni Tiya Miding kay Lily "Ha? Wala po. Hindi po nila alam kung ano ang ginagawa niyo sa akin. Pangako po, hindi ako nagsisinungaling Tiya Miding." sagot ni Lily "Siguraduhin mo lang na totoo ang mga sinasabi mo kundi ay patay kang bata ka! Hindi ka kakain ng isang araw kapag nalaman ko na nagsumbong ka!" sigaw ni Tiya Miding Napatigil naman nang kain ng banana cue si Gerald dahil baka mapasama pa siya sa galit ng ina niya kaya nagpasya siya na pumasok na la

