Umalingawngaw ang galit na galit na boses ni Ismael sa buong opisina. Kaya narinig ng ibang tao na nasa labas nito ang sigaw niyang iyon. Dahil doon ay nagmamadaling pumasok sina Mr. Chang at Mr. Ford pati na rin ang ilang empleyado sa opisina na iyon para alamin ang nangyayari. At naabutan nilang lahat ang eksena kung saan galit na galit si Ismael at mahigpit na nakahawak sa braso ng biyudang asawa ni Mr. Tuazon. Hindi man nila alam ang dahilan ng pag-aaway nilang ito ay agarang umawat sina Mr. Chang dahil nga sa buntis si Amanda. Hindi rin kasi makakabuti na makita ng mga empleyado ng kompanya na sinaktan ni Ismael ang biyudang asawa ni Mr. Tuazon. Dahil sa kanilang mga mata ay isang anghel na babae si Amanda. Iyon kasi ang ipinakita na imahe ni Amanda sa mga empleyado tuwing kasama

