Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ismael pagkatapos na makita ang trending sa mga social media. Iyon ay ang larawang pinost ni Amanda at ang video na pinost naman ni Travis. Sa kabutihang palad ay umayon sa kanilang plano ang lahat. Ngayon ay sinusuka ng kanilang bansa si Amanda. Dahil dito ay paniguradong hinding hindi na makakabalik pa ng Pilipinas si Amanda. Iyon ay kung may hiya pa siya sa kanyang katawan para magpakita sa madlang Pilipino. Ngunit hindi magtatagal ay alam niya na mauungkat na rin sa Canada ang maeskandalong balitang ito. At kinakabahala niya na baka makaapekto ito sa kanilang isinasalbang proyekto. Ngayon pa na makikita na niya ang magandang resulta ng kanilang nabuong plano. Kaunting kaunti na lang ay maiaahon na nila mula sa kritikal na sitwasyo

