Dahil sa malawak na impluwensiya ni Mr. Tuazon sa Canada ay naging hati ang opinyon ng karamihan. Sa mata nila ay si Ismael ay isang negosyante na may malaking inggit kay Mr. Tuazon. Na nilapitan at inakit niya ang asawa nito na si Amanda para malamangan ang matandang negosyante. Aaminin ni Ismael na hindi niya inaasahan na ito kalalabasan ng lahat. Umasa pa naman siya na pagkatapos ng press conference ay malilinawan sila na isang kasinungalingan lang ang mga ipinakalat ni Amanda. Ngunit ang nangyari ay nagmistulang siyang lalaki na may hidden agenda para lapitan ang matandang negosyante. Hindi niya inaasahan na mag-e-evolve sa ganoong direksyon ang mga kasinungalingan na iyon ni Amanda. Nag-ugat ito sa matinding respeto ng karamihan sa namayapang negosyante. Kaya hindi nila matanggap

