Napatulala si Cathy habang nakatingin sa kanyang hawak na notepad. Nandoon lang naman ang listahan ng pangalan ng mga negosyante na tumawag sa kanya sa araw na ito. Lahat sila ay isa lang ang sinasabi. Na handa sila na tulungan si Ismael na malampasan ang problema niyang ito. Dahil doon ay may kung anong saya na lumukob sa puso ni Cathy. Pakiramdam niya ay naging worth it ang paghihirap ni Ismael sa ilang taon na pagpapalago niya ng kanyang negosyo. Na hindi nabalewala ang effort niyang iyon para makakilala siya ng lahat mula sa wala. Dahil dito, nakakuha siya ng mga koneksyon sa iba't ibang tao. Hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa mga negosyante sa ibang bansa na nakilala niya noon sa convention. Nangyari lang ang milagrong ito dahil nasa delikadong sitwasyon si Ismael. Hindi nila

