*screeeeeeeeeeechhhhh!* Agarang ipinarada ni Ismael ang kanyang dalang sasakyan sa tapat ng pintuan ng kanilang bahay. Dali dali pa siya bumababa roon at pabalabag na binuksan ang pinto. Kita pa niya ang labis na pagkagulat sa mukha nina Victoria at Teresa na natigilan sa kanilang pag-uusap sa sala dahil sa walang pasabi na pag-uwi ni Ismael sa kanyang bahay. "M-M-Mael?" hindi makapaniwalang bulalas ni Victoria at agarang napatayo sa kinauupuan dahil sa biglaang pagdating ng kanyang anak, "H-Hindi mo kami nasabihan na ngayon ka pala na makakauwi," kinakabahang dagdag pa ng kanyang nanay. Mabilis na inilibot naman ni Ismael ang tingin na tila may hinahanap sa kanyang paligid. "Nasaan si Cathy?" seryosong tanong niya sa kanyang nanay at biyenan habang nanginginig ang mga kamay sa sobran

