IKA SIYAM NA KABANATA

1109 Words
Sa pananaw ni Michelle TAGPUAN-SA ILALIM NG PUNO- Nakaramdam ako ng lamig sa ulo ko, parang tela na basa, hindi ko maimulat ang mga mata ko, ramdam ko ang pagtulo ng mga tubig mula sa noo ko, hinayaan ko lang siyang punasan ang katawan ko, medyo masakit parin ang ulo ko kaya mas pinili kong magtulog tulugan lang Ilang sandali pa ay napansin kong tumigil na siya sa pagpapahid sa akin ng malamig at basang tela, hindi ko na ramdam ang kanyang presensya sa paligid imumulat ko na ang mata ko nang... Hinalikan niya ako sa noo alam ko na kung sino ito, walang iba kundi si chris, "alam kong gising ka na imulat mo na ang mga mata mo, bumangon kana ang tagal mo ng tulog diyan."  Bumangon ako at minulat ang mata niyakap ko siya agad at tuluyan akong napaiyak. Takot na takot ako hindi ko alam kong bakit pero parang natatakot parin ako sa nangyari, ramdam ko parin ang kaba . "Pasensya na chris kung sumunod ako agad sayo, hindi sana ako napahamak kanina" muli kong naalala ang nangyari kaya pala pinipigilan ako ni chris alam niya ang masamang binabalak ni gab sana ay sumunod nalang ako. naalala kong may lalaking pumunta kanina sino kaya siya?. "Matagal na iyon Michelle mahalaga gising kana" sabi niya habang pinupunasan ang pisnge ko, pero tama ba ang narinig ko matagal na? Eh parang kanina nga lang iyon. "Hah? Matagal na? Eh diba chris kanina nga lang iyon"  bigla akong napaluha hindi ko alam ang dahilan, malungkot ang mga ngiti niya at pinunasan ang luha ko. "5 taon na ang nakalipas mahal ko, limang taon ka na nasa iyong panaginip "  naiiyak niyang sambit  kung minsay pumipiyok pa paano naging 5 taon paano na? Sa taong ito sana nakapagtapos na ako, totoo ba ito? "Nagsisinungaling kalang chris, kanina lang iyon eh kanina lang!" Di ko napigilan ang sariling umiyak, pilit kong tinutulak si chris papalayo sa akin hindi ito maari paano sila ina. "Tanggapin nalang natin Michelle wala na tayong magagawa, nahirapan ang kaluluwa mong makabalik sa katawan mo dahil nakikipagunahan ang kaluluwa ni gabby" naalala ko ang lalaking pumunta 5 years ago kung limang taon na nga ang nakalipas. "Sino yung lalaking pumunta noon?"  Seryoso kong tanong sa kanya di ko mapigilan umiyak parang nasasaktan ako sa di ko maintindihang dahilan. "Siya ang nagalay ng buhay para sayo, isa siyang dream traveler" hindi iyon ang gusto kong marinig sa kanya gusto ko siyang magkilala bakit niya inalay ang sarili niya para sa akin? "S-sino siya?" Para kaming tanga dito sa kakaiyak hindi ko maintindihan bakit ako umiiyak ng ganito, ligtas naman ako pero parang sobrang sakit ng nararamdaman ko. "S-si C-carl" teka si carl? Sinong carl ang tinutukoy niya hindi kaya-"ang bunso mong kapatid mahal ko" parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang mga salitang iyon ngunit paano? Paano siya naka punta rito ang alam ko isa siyang lucid dreamer? Paano at naging traveler siya. "P-patay na ang kapatid mo mahal ko" niyakap ko siya ng mahigpit sa sandaling iyon bumalik lahat ng alaala na kasama ko si carl hindi ko parin maintindihan ang nangyayari gusto kong bumalik sa katawan ko gusto kong gumising kaya nagpaalam ako kay christian "Kailangan ko munang gumising chris" pinunasan ko ang luha ko at pinagpagan ang sarili gusto kong malaman ang totoo kung ano ba tlga ang nangyari magulo masakit hindi ko maintindihan. Pilit kong pinipikit ang mga mata ko gusto kong magising na, ngunit hindi ako magising pinilit kong ipikit ang mata ko paulit ulit hanggang sa mahilo ako at bumagsak, napahagulgul nalang ako hindi ko alam ano ang gagawin ko. Lumapit sa akin si chris at niyakap ako ng mahigpit "mahal na mahal kita Michelle lagi mong tatandaan" umiiyak narin siya habang yakap yakap ako "ang nagiisang lalaking iniibig mo na kailan man ay hindi mo pwedeng makatuluyan" umiyak siya at mas hinigpitan ang yakap sa akin. "Tumingin ka sakin chris" iniharap ko ang mukha niya sa akin at tinitigan sya sa mata, "Magkikita tayo chris! Mahahanap kita sa totoong buhay, makakausap kita makakasama kita lagi, pwede tayong magpakasal, magkakaroon ng maraming anak makikita natin silang lumaki, ikukwento natin ang pagibig natin na mala fairy tail , mahal kita chris hindi kayang mawala ka pa sa akin minahal na kita"  mas lalo lumakas ang pag iyak niya halatang pinipigilan niya ito.  "Makakasama kita mahal ko! Mahahanap kita sa tunay na buhay kaya gumising na tayo"  hinila ko siya pero pumiglas siya sa pagkakahawak ko sa kanya, nakatayo lang siya at nakatitig sa akin. "B-bakit chris?  May problema ba?" Niyakap niya ako ulit at binulong ang salitang hindi ko ginustong marinig, ito ang dahilan kung bakit ako napaiyak ng husto. "Mahal kita Michelle, pero P-Patay na ako, hindi na kita pwedeng makasama"  Hindi ko alam kung anong gagawin ko napaiyak nalang ako at tumingin sa kanya. "Hindi tayo pwedeng magkatuluyan sa totoong buhay, kaya sana dito ka nalang, samahan mo nalang ako dito " nagmamakaawa siya sa akin gusto kong mag stay dito para makasama siya pero paano ang pamilya kong nagaantay sa akin? Paano si ina magisa nalang siya. "Sorry hindi ko kaya kailangan kong bumalik para kay ina, pwede naman kitang bisitahin dito diba? Tuwing tulog ako mahal, pangako ikaw lang ang mamahalin ko" umiling iling siya at pinunasan ang kanyang luha. "Hindi ka pwedeng gumising Michelle habang nandito pa ang kaluluwa ko sa panaginip mo, kailangan ko ng mawala at isuko ang kaluluwa ko, katulad ng ginawa ng iyong kapatid"  hindi ito maari dalawang mahal kong lalaki ang mawawala sa buhay ko, ano klaseng parusa ito. "Mahal na mahal kita Michelle, ipangako mo sa akin na magmamahal ka ng iba mabubuhay ka at magkakaroon ka ng maraming anak, ikuwento mo sa kanila ang tungkol sa akin"  ngumiti siya sa akin, ang mga ngiting iyon ay hindi ko makakalimutan. "Hindi na ako magmamahal ng iba ikaw lang ang mamahalin ko!" Niyakap ko siya sa huling pagkakataon hinalikan ko siya sa kanyang labi, mamimiss ko ang kanyang matatamis na halik, ang kanyang mga ngiti. "Hanggang sa muli mahal! Hindi man tayo nagkatuluyan sa panahong ito, hinihiling ko na sa panahong mabuhay tayo ulit ay sa totoong buhay tayo magtagpo, iloveyou hanggang sa muli" unti unti siyang naglaho at kinuha ng puting liwanag. Hindi ko napigilan ang sarili kong bumagsak at napaiyak. Unti unting naglaho ang lahat ang puno kung saan kami nagsimula at kung din kami nagkahiwalay, napakalupit ng tadhana. Kitang kita mula rito ang pagkasira ng mansion ko. Wala na akong ibang makita kundi ang punong aking sinasandalan, bigla nalang akong nahilo at nakatulog. ----------------------------------------- Last chapter: pagwawakas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD