IKAWALONG KABANATA

1014 Words
Sa Pananaw ni Michelle Pagmulat ko palang ng mata ko ay Bumungad agad sa sakin si Chris nakangiti, hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin at ngumiti nakakabighani talaga siya. "Hi Christian!!" Umakto akong walang kilig na nararamdaman, hinawakan niya ang mga pisnge ko at hinalikan ang aking noo, "Sasama kaba?" Nagtaka ako saan? Saan ako sasama? Hinila niya ang kamay ko papalabas ng mansion. "Saan? Saan ba tayo pupunta" binitawan niya ako at ngumiti siya sa akin, huminga siya ng malalim bago sumagot. "Gagala tayo! Handa ka na ba maging dream traveler?" Ngumiti ako sa kanya di ko nagawang sumagot agad. "Titignan natin pero sasama ako sayo chris kahit saan pa tayo pumunta!" Hinawakan niya ulit ang kamay ko, "sasama naman pala ih, tara na! Kumapit kalang sakin Michelle ayaw kong mawala ka " naalala ko ang nabasa ko tungkol dito kaya mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. -FLASHBACK- Maaring ang mga dream traveler ay ang mga taong na babangunot, walang malay, pumanaw na.. Maaari rin ito ay dinala lamang ng isa ring dream traveler. hindi maaring makabalik ang isang dayong dream traveler sa pinagmulan niya kung ang may ari ng panaginip na iyon ay tulog pa. maaring makabalik ang pumanaw na traveler sa pagiging dream traveler tulad ng noon,maari siyang maging dream traveler habang buhay, ngunit ang may-ari ng panaginip na kanyang pinuntahan at pinagtirahan ay mananatili sa pagkakatulog hanggang maisipan ng traveler na isuko ang kanyang kaluluwa at sumakabilang buhay. Ang ginalang lucid dreamer ay maaring maiwan sa isang panaginip kung ito at nabitawan ng traveler sa kanilang paglalakbay magaagawan ang dalawang lucid dreamer sa panaginip isa lang ang maaring mabuhay sa kanila. ----------end----------- "Ayiee naman basta wag mo akong bibitawan Chris, hindi kita iiwanan" lumingon siya sa akin at binigyan ako ng matamis na halik sa noo. Mas hinigpitan niya ang hawak niya sa akin. Mahangin madilim wala akong makita tanging hampas lamang ng hangin ang naririnig ko sa paligid hindi ko maiwasang kabahan ngunit hindi ako pinaglas sa pagkakakapit kay chris "M-malapit na ba tayo chris?" Tanging si chris lang ang nakakakita dito, napakaduga naman, pero okay na sa akin ang maging lucid dreamer nalang. "Malapit na tayo Michelle kumapit kalang sakin ipikit mo ang mga mata mo, magtiwala kalang sa akin" hindi ko nanaman maiwasang hindi kilingin sa mga sinabi niya, hindi ako bumitaw sa kanya. Ilang sandali pa nakaramdam ako ng init sikat ng araw inimulat ko ang aking mata, "napakaganda naman dito nasaang panaginip tayo?" Ngumiti siya sa akin bakit ba puro siya ngiti nakakainis ah. "Nasa panaginip tayo ng isang sikat na celebrity Michelle" nagulat naman ako sa sinabi niya, napakalaki ng bahay gawa ito sa glass, napatingala ako agad at nakita ko ang isang sikat na artista na kumakanta sa itaas. Siguradong naki- "Michelle tago!" Hinila ako ni chris habang natawa nagtago kami sa likod ng isang bato, nakita kami ! Ang saya pala magtago, alam kong hinahanap niya kami! Tumakbo kami ni chris para lumipat sana ng pagtataguan ng nakita kami. "Mga lucid dreamer kayo?" Nakangiting sambit niya napakaganda niya. "Ako oo si Christian hindi dream traveler siya" napakabait niya kaya di ko feel ang pagkakahiya sa pakikipagusap sa isang sikat na katulad niya. "Ahh okay tagal na rin nung last na nagkaroon ako ng kasama rito" ngumiti siya si chrus naman ay nakatingin lang sa kanya kaya agad ko itong isiniko kainis naman ! " Tara pumasok kayo gusto ko ng makakasama sa loob!" Hinila niya ako pero si chris ay nanatili paring nakatitig sa kanya, kainis naman itong lalaking to ang harot may patitig titig pa! "Ay hindi na uuwi na kami" agad naman akong hinila pabalik ni chris na pinagtaka ko bat naman kami uuwi agad. "Sandali ng chris" hinawakan ko ang kamay niya at nag puppy eyes pa para pumayag na sumama kay Gabby "Tara na-" hinila ko ulit ang kamay ko "Dito muna tayo please" hinalikn ako ulit ni chris sa noo at niyakap ako. "Oo na pero sandali lang tayo ah? Wag kang lalayo sa akin" ngumiti naman ako agad sa kanya "thank you" i mouthed at nag flying kiss pa. Hinila na kasi ako ni gabby pero hindi tumakbo si chris para hawakan ako. Dinilaan ko lang siya dahil ang bagal niya tumakbo, nang makapasok kami ng bahay ni gabby di namin mapigilan mamangha rito, pinaupo niya kami pumunta siya sa kusina at pagbalik niya ay may dala na siyang mga pagkain "Bago ka lang dito?" Paninimula niya at inabot sa akin ang tasa ng kape, at kakaibang uri ng prutas, susubuin ko na sana ang prutas ng hinampas ni chris dahilan ng pagkatapon nito sa sahig. "Bakit chris? Sarap pa naman " pagwawala ko sayang hindi ko man lang na tikman ang isang yun. Tinignan niya ako ng masama at narinig kong bumulong siya, ngunit sa isip ko lang. "Huwag kang kakain ng ganoong prutas o kahit anong ialok niya sayo sabihin mo busog ka" alam kong sa isip ko lang niya ito hinayaang marinig, tumungo nalang ako. "Bakit mo itinapon dayo?" Biglang naging nakakatakot ang malambing niyang pananalita, "Busog na rin naman kasi ang baby ko, saka diet yan siya diba baby?" baby? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko iyon, tinignan kong muli si chris ngayon ay kinindataan niya ako ng patago. "Oo nga sorry gabby less kain muna ako" ngumiti naman si gab ay tumingin kay Chris bakit ang weird nilang dalawa? Hays bahala na. Pagkatapos namin magusap nagpahinga ako saglit at nakatulog.... "Michelle gising!, Umalis na tayo dito hanggang tulog pa siya" nagtataka ako ngunit agad akong bumangon at humawak sa kanya paalis na kami ng biglang hinila ako ni gabby. "Dito kalang! Sino nagsabing pwede kang umalis" hinila ako ni gabby ng malakas ngunit di ako binitawan ni chris. "Gusto ko ng gumising! Kailangan mo magstay dito Michelle!" Naalala ko na magaagawan ang aming kaluluwa sa panaginip na ito, bigla akong nabitawan ni chris. Nakaramdam ako ng pagkahilo at unti unting bumagsak may nakita akong batang lalaking dumating ngunit hindi ko na siya nakilala tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD