IKAPITONG KABANATA

1141 Words
Sa pananaw ni Michelle Nagulat ako nang makita ko siya dito, paano siya nakapunta sa panaginip ko?, Napahikbi siya nang makita ako "A-ate?" ,Pinunasan ko ang luha ni carl at tumabi sa kanya niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit, napakasakit tlga sa akin na makita siyang umiiyak, napakasakit bilang kapatid... Bilang ate niya. "Michelle!" Napatingin ako sa gawing kanan nang marinig ko ang tinig na iyon, teka di maari! Akala ko ay hindi na siya babalik, hinalikan ko sa noo si carl at nagpaalam sandali para salubungin si Christian, ngunit nagulat nalang ako nangnawala na siya sa tabi ng puno. "Carl? Nasaan ka lumabas kana diyan pasok tayo sa loob" nagtataka si Christian sa kinikilos ko hindi pa pala niya kilala si carl, nakalimutan kong ipakilala sa kanya ang pamilya ko. "Tara na nga baka gumising na yung batang iyon bigla biglang nawawala... Parang ikaw!" Dumiretso na ako sa kwarto hawak hawak ang kamay ni Chris mahirap na baka mawala nanaman siya. "Pwede mo naman akong bitawan eh di naman ako mawawala Michelle" Nakita ko siyang ngumisi, argh bakit ang gwapo niya pag ginagawa niya iyon hindi ko mapigilan mapangiti argh! "Namiss mo ba ako?" Niyakap niya ako mula sa likod at isiniksik ang mukha sa leeg ko, ang sarap sa pakiramdam ng ganito sana ganito nalang lagi. "Miss ka diyan wala na kasi akong makasama dito kaya hinahanap hanap kita!" Kiniliti niya ako sa tagiliran at ngumiti argh bayan nakakainis tlga siya! "Oh siya kumain kana puro ka kaharutan eh!" Biglang naging seryoso ang mga tingin niya nang sandaling tumitig siya sa mga mata ko. "Hindi na ako aalis Michelle lagi akong nandito sasamahan kita" ngumiti siya bago sumubo ng pagkain pinapanood ko lang siya, ang saya ko dahil makakasama ko nanaman siya ewan ko kahit sandali lang kami nagkakilala ay napakagaan na ng loob ko sa kanya. Pagkatapos niya kumain ay tinulungan niya ako maglinis ng mga plato at sala, nagulat ako ng bigla niya ako talsikan ng tubig dahilan ng pagkagalit ko kaya dali dali akong gumanti sa kanya! "Kainis ka ah! Yan nababagay sayo " tinalsikan ko siya ng tubig na may bula saka tumakbo sa labas , tumakbo ako ng mabilis at nagtago sa puno na madalas naming puntahan ang puno sa gitna ng aking panaginip ang pinagsimulan ng lahat. Nagulat ako ng wala na akong narinig na ingay o yapak niya, nasaan na naman siya iniwan nanaman niya ba ako? Kainis naman, padabog akong palabas ng puno nang bigla niya akong niyakap, nagulat ako pero ngiti lang ang bumakas sa aking mukha. "Ano bayan maduga!, Bakit hindi kita nakita huh?" Hinalikan niyang muli ang aking leeg at bumulong "I'm begging you please dont wake up" sa mga sandaling iyon tumulo ang luha ko sa hindi mapaliwanag na dahilan. "Kaya kong hindi magising para makasama kalang Chris iloveyou chris iloveyou so bad"ngumisi naman siya sa akin, wala bang iloveyou too diyan nakakainis naman siya! Marahas kong tinanggal ang sarili ko sa pagkakayakap niya at pumasok ng mansion ko tumakbo siya para habulin ako. Nakakainis naman siya hindi man lang nagiloveyou too, ramdam kong yayakap nanaman siya pero tumalikod ako ngunit laking gulat ko ng wala akong nakitang chris nasaan nanaman siya?, Bakit lagi na lang niya ako iniiwan basta basta. "Mahal na mahal rin kita binibini ko" ito ang unang beses na inabutan ako ng rosas ng isang lalaki ang sarap pala sa pakiramdam, ganito pala ang pakiramdam na minamahal ka. "Kailangan ko ng magising Chris! Hanggang sa muli!, mahal na mahal kita" niyakap ko siya ng mahigpit at iniwanan ng matamis na halik, masaya akong lumisan ng mansion hindi gaya ng dati. Tulad ng dati sikat ng araw ang bumungad sa akin, bumangon ako agad at masayang tumungo ng kusina, muli nakita ko ang kapatid ko nandoon parin siya nakaupo at walang imik si ina naman ay tila may tinatago sa braso niya. Kumain ako habang nakatingin sa kanila kakaiba ang kinikilos nila ngayon, pero baka ganun lang talaga baka pagod lang talaga sila lutang parang ganoon. Nakita kong lumabas ng kwarto si ama at ngumiti agad sa akin kaya ngimiti din ako sa kanya, "kumain kana ama, sabayan mo ako, ayaw nila ina eh" pagrereklamo ko at tinignan ng masama si carl, kainis ih di manlang nagkukwento sa akin namimiss kona siya. "Oo anak mag babanyo muna ako antayin mo ako diyan" ngumiti ulit si ama, napakabait talaga ng mga ngiti niya, hindi mo maiisip na nagkaroon siya ng kabit dahil napakabait talaga niya sa amin ni minsan hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. "Okay po! Buti pa si ama sasabayan ako hindi tulad ng isa diyan di naman ako nagpaparinig ah ,parang ganun na nga" nagtaka ako ng mag maamoy akong malansa, ang sangsang ng amoy ang sakit sa ilong pansin kong galing iyon kay carl kaya tinignan ko siya ng masama. "Ano ba yan carl naligo kaba kagabi? Ang baho mo naman, ma naliligo bayan?" Nagulat ako ng biglang tumulo ang luha ni ina kasabay nito ang ingay mula sa banyo "Ama!? Si carl paliguan mo nga po mamaya! Baho baho na eh tamad pa maligo" sigaw ko mula sa kusina si ama ang nagpapaligo dati kay carl noong bata pa lamang kami, nakakamiss lang. "Oo anak, pinagsabihan ko na yang si carl na maligo na eh ayaw niya" tumingin ako sa balat ni carl alam kong malabo ang mga mata ko baka ito ang dahilan kung bakit iba ang kulay ng balat niya kong tinitignan ko, parang naninilaw. "Ano klaseng balat yan siz? Naliligo kaba talaga HAHAHA" Tinitigan ko ang mga mata niya di kasi siya kumukurap baka kailangan ko na mag salamin, nahilo ako dahil sa pagkakatitig kay carl, kaya tumayo na ako para mag ayos ng gamit, at nagsabi kay ama na tapos na akong kumain. "Ama tapos nakong kumain maya nalang pala tayo sabay sa hapunan na ama!" Tumakbo ako sa kwarto ko at doon naligo buti nalang may sariling banyo dito kundi malalate nanaman ako. Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam na ako para pumasok sa paaralan napansin kong di nakauniporme si bunso hindi nananaman ata siya papasok, pambihira naman ayaw niya kaya makamiss ng klase tapos hindi siya papasok, weird naka upo lang siya sa sofa. "Bye ina bye ama!" Humalik ako sa pisnge nila at pumasok na sa paaralan. "Musta ang laban mo kagahapon Michelle!?" Bungad sa akin ng guard sa paaralan buti nalang talaga may nangangamusta sakin "Panalo mang eddie! Champion ang late bloomer!" Ngumiti naman ako sa kanya at pumasok na sa klase, walang bago kinig lang ng kinig sa guro. Pagkatapos ng klase ay umuwi ako agad ng bahay gusto ko na makita si chris hindi na ako kumain nakalimutan ko na nangako ako kay ama na sabay kami kakain bahala na. Itinapon ko ang sarili ko sa kama at natulog na.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD