BROKEN HARMONY 40 Mabilis na lumipas ang araw at oras, tuluyan ng nakarating ang barko na sinasakyan ng lahat sa isang malawak na isla. Pagbaba pa lamang ng mga ito ay kitang-kita na ang puting-puti na mga buhangin sa buong lugar, malakas ang hangin na sumisimoy sa buong paligid at iba ‘t ibang banda ang nag-iingay sa buong lugar. Gabi na ng makarating sila sa isla katulad ng inaasahan nilang lahat. Kanya-kanya na din pasok sa kwarto ang mga bisita, magkakaiba ang mga kwarto nilang lahat. Ang kwarto ni Danica ay katabi lamang ng kwarto ni Prestine at kaharap naman nila ang kwarto ng batang si MJ na nakabuntot na din sa kanilang dalawa. “Hello?” bungad ni Prestine mula sa kabilang linya. “Hon, kamusta? Nakarating na ba kayo?” tanong ni Matheo sa kanya. “Kakarating pa lang namin. Bukas

