BROKEN HARMONY 41 “Akala ko ay uupo nalang tayo ng uupo buong araw sa hall na ‘yon. Ang sakit na ng pwet ko!” reklamo ni Danica ng malayo-layo na sila mula sa hall kung saan nagkaroon ang lahat ng seminar. Doon lamang nila na laman na maraming imbitado na mga sikat na businessman sa lugar na ‘yon upang magbigay ng speech sa lahat. Ang iba ay nagtuturo ng strategy at ang iba naman ay andon upang magbigay ng motivation sa lahat mas lalo na sa mga tagapagmana na susunod sa mga yapak ng kanilang mga magulang. “Nakinig ka ba ng mabuti sa sinabi kanina?” tanong ni Prestine dito. “Hindi ko matandaan lahat pero natatandaan ko na ang iba ay umasbong lang sa paggiging matyaga nila.” Sagot nito sa kanya habang nag-iinat pa din ito ng kanyang katawan. “Mabuti naman,” sagot niya sa kaibigan, “Ang

